Hello! Sabi ng master mo na si @ilovered01 idedicate ko daw sayo. Napakamasunurin mo raw na slave. Hehe. Anyhoo, thanks sa pagbabasa! =)) God bless! ♥
Pinapasabi din pala ng master mo “Pengeng RC” –ewan ko kung para san yan pero malakas sakin master mo e. Haha. Peace po kung tungkol san man yan. Hehe. Lovelots.♥-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 6: R A I N
Jeng-jeng's POV
*KINABUKASAN*
*Ding-dong*
"Pasok po kayo Sir Patrick." narinig kong sabi ni Yaya Flor. Nandito lang kasi ako sa sala kaya narinig ko. Nakabihis na rin ako para alis na agad pagdatin ni Pot-pot.
"Jeng-jeng! Tara na daliii! Sigurado marami na tao dun." sabi ni Pot-pot sabay hawak sa kamay ko tapos pinatay na rin yung T.V. Oh diba? Feel at home talaga.
"Teka, wag mo ako hilain, eto nga oh, sumusunod na nga po sayo e." sabi ko sabay bitaw sa kamay niya. Ayaw ko lang talaga makipagholding hands sa kanya noh, kasi nga diba, baka mailang na naman ako, di pa naman namin kasama sina Brit at Julia ngayon. Tsss.
"Ay, sorry naman Jeng-jeng ko. Excited lang talaga ako." -Pot-pot, ano kaya nakapagpapa excite dito kay Pot-pot at kanina pa siya hindi mapakali. Sus. Pagkalabas namin ng condo, sumakay kami ng FX na 'SM *tooot*'. Ayun, magmall lang pala e, bakit parang excited masyado tong si Pot-pot?
Pagbaba namin sa FX. Di na ako nagulat sa nakita ko.......kaya pala atat na atat tong si Pot-pot e…
Pupunta kasi si Lizzie sa mall na to, magpopromote ng bagong movie….
Hayyyy…
“Lika na Jeng, daliiii, dun tayo sa may unahan, para makita agad ako ni Babe, miss na miss ko na siya e.” sabi niya sabay hila sa akin papasok sa mall.
“Pwede ikaw na lang Pot-pot ang manood? Ayaw ko kasi sa ganito e, masyadong maraming tao baka hikain ako.” Palusot ko, ayaw ko lang talaga kasi sumama, magseselos lang ako e.
“Hindi yan, ako bahala sayo Jeng, iingatan ko na hindi ka masisiksik ng mga tao, sige na naman please, ang tagal na naming di nagkikita ni Babe e, lagi na lang sa phone at sa skype, I miss her badly.” sabi niya tapos yumuko siya.
“Pot-pot naman…” yan na lang nasabi ko, alam ko kasing miss na miss niya na talaga si Lizzie at alam kong malulungkot siya ng sobra kapag hindi ako pumayag na samahan siya.
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinignan niya ako sa mata, then he said sincerely “Please Jeng-jeng.” Tumango na lang ako, hindi ko siya kaya tanggihan e, kahit alam kong masasaktan lang ako sa mga posible kong makita ngayong araw na to, pero ayos lang, kahit papano naman, alam kong sasaya siya.
Dumami na ang mga tao. Ang pwesto namin ni Pot-pot ay sobrang lapit sa stage, gusto niya kasi makita agad si Lizzie. Nasa may likod ko si Pot at parang nakabakuran siya sakin, para daw hindi ako siksikin g mga tao, sa sitwasyong ganito, bumibilis na naman tibok ng puso ko, siguro kung di masyadong maingay ang mga fans ni Lizzie, siguro naririnig ko sa tenga ko ang paghinga ni Pot-pot…
“Waaaaaaaaaa! Ayan na si Lizzie!” sigaw ng isang fan
“Ang ganda ganda niya talaga! Lizzieeee!” sigaw pa ng isa.
Binati na ni Lizzie ang mga tao, tapos kumanta, [A/N: Video-Lexi singing 'Back to December'] paminsan minsan, lumilingon sa may amin ni Pot-pot, si Pot-pot naman nakatitig lang sa kanya. Ugh. I hate this feeling. Sumama sama pa kasi ako e. Hay…6:30 na nang matapos ang show, nagsiuwian na rin ang mga tao, niyaya ko na ring umuwi si Pot-pot…
“Uhm Jeng, nagtext si Lizzie e, ayos lang ba kung puntahan ko lang siya saglit sa van? Promise, hindi ako magtatagal, baka kasi may makakita pa sa amin e, 15 minutes lang talaga, please?” pakiusap niya sa akin.
“Ah…o-osige, antayin na lang kita sa may playground sa labas ng mall.” Sabi ko, hindi ko naman siya matitiis e. Kainis lang.
“Salamat Jeng-jeng.” Niyakap niya ako tapos tumakbo na rin.
Nandito na ako ngayon sa swing, nagpapalipas oras, 20 minutes na rin pala ang nakalipas, wala pa rin si Pot-pot. Tawagan ko na nga…
Calling…
Pot-pot-Battery Empty-
Sheeez. Bakit ngayon pa? Hindi nga pala ako nakapagcharge kagabi. Stupid me. Tss. Antay antay lang Jeng, maya maya nandito na rin yun si Pot-pot. Di ko namalayan nakatulog na pala ako. Paggising ko, umuulan, basang basa na ako, tinignan ko yung orasan ko…10:30 na, apat na oras na pala akong naghihintay dito pero walang dumating na Pot-pot. Di ko namalayan tumulo na naman ang luha ko. Eto na naman kasi ako, naghihintay sa wala. Umiyak na lang ako ng umiyak, tutal umuulan kaya walang makakahalata. [A/N: Andrama ni Jeng-jeng noh? Hehe. Pagbigyan na natin] Maya maya, naramdaman kong parang may nagpapayong sakin, tumayo agad ako at niyakap ko siya, tinignan ko siya pero di ko maaninag yung mukha, parang nanlabo yung paningin ko dahil sa luha sa mga mata ko, niyakap ko na lang siya ulit…
“Salamat dumating ka…” sabi ko sa kanya at tuluyan na akong nawalan ng malay…
[PIC: Jeng-jeng is crying...]
----------------------------------------------------------------------------------->
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kawawa naman si Jeng-jeng noh? Sino kaya yung dumating? Kilala niyo ba? Hehe.
Pagpasensiyahan niyo na po kung medyo mabagal ang usad ng story at wala pa masyadong KathNiel Moments, We’ll really really really get to that..sooooon. HOHO.
Thank you! God bless! :)
©Star~
BINABASA MO ANG
Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)
Fiksi Penggemar"Love...even though it's such a simple emotion, why is it that just as you fall in love, things get difficult?"