Raindrop # 26

15.6K 201 52
                                    

Helloooo! Salamat sa support at ano, dedicated 'to sayo kasi chinat mo ako kagabi para sabihing excited ka na sa next UD kaya, eto na po. HAHA. =))) Love love! <3

Sorry pala, sabi ko kasi sunday evening 'to ipopost, inabot na ng tuesday. HAHA. Hinabaan ko kasi siya tsaka kinikilig ako sa trailer ng Princess and I. Hahaha.(Ano connect?) Ayun, based from my analysis (Nosebleed), its either magkapatid si Jao at Mikay sa tatay or magpinsan sila. HAHAHA. (Feeling director ako) Teehee! =)) Kaya Team MiGi FTW! <3

Andami ko pang echos, eto na po! <3

__________________________________________________________________________


Chapter 26: COMFORTING HER

Pot-pot's POV

Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nang magbreak kami ni Lizzie pero ni isa sa barkada wala pang nakakaalam at ang masaklap pa, di ko pa masabi-sabi kay Jeng-jeng ang nararamdaman ko, lagi kasing nakabuntot sa kanya ang bentilador. Ayaw ko naman na thru text lang o tawag, gusto ko e yung sa personal. Kaso mukhang malabo kong magawa yun ngayon. Depressed ang Jeng-jeng ko. Di kasi siya nakapunta sa audition para sa concert ni Joshua Bell, inapoy kasi siya ng lagnat noong isang araw, yung mismong araw ng audition, kaya eto kami ngayon ng barkada, kinakalma siya.

 

"Tama na yan Ella, marami pa namang pagkakataon e.” sabi ni Julia habang hinahaplos ang likod ni Jeng-jeng.

“Oo nga Ella, malay mo next time si Joshua Bell na mismo mag-invite sayo.” Sabi naman ni Erwin.

“Eeee, imposible namang mangyari yan Erwin e.” pagmamaktol naman ni Jeng-jeng.

“Ano ka ba Jeng, sa galing mong yan, walang imposible, diba mga bro?” sabi ko naman.

“Tumpak! Tama si Patrick, Ella.” Pagsang-ayon sa akin ni Erwin.

“Binobola niyo lang ako e.” sambit naman ni Jeng-jeng habang nagpupunas ng luha.

“Hindi noh. Ano ka ba girl, magaling ka, tandaan mo yan.” Sabi naman ni Julia.

“Totoo?” tanong ni Jeng-jeng.

“Oo naman Ella, kaya wag ka nang mag crayola jan, wit ko bet na makita kang ganyan.” Sabi naman ni Diego na nagbabakla-baklaan.

Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon