Raindrop # 17-A

15.8K 186 29
                                    

Alam niyo ba yung kinikilig? Ako yun e! Hehe. Sobrang natutuwa talaga ako sa dumadaming readers, feedbacks at sa mga hindi bumibitaw sa Raindrops. Kaya love na love ko na kayooo! *POWERHUG* God bless!

BTW, naaawa na po ako kay Eli. Marami na siyang enemy. Hahaa. Ang puso guys. Chill lang. Choss. Kung si Eli marami na enemy, si Diego, marami ng friends, cute lang! HOHO. Yung ginagawa ko sa role ni Diego dito, ganun yung gusto kong role ni Khalil sa YAIMH. Hehe. Wala lang. Ay! sa mga naiinis pala jan kay Pot-pot....uhm...secret! HAHAHA. =))

Eto na po ang update. May part 2 po ang chapter na 'to. Tinatapos ko pa. Hehe. Sana magustuhan niyo. :)

______________________________________________________________________________

Chapter 17-A:  J E L L Y

Pot-pot's POV
July 16, Friday 

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nung patawarin ako ni Jeng-jeng dahil sa di ko pagsipot sa inihanda niyang birthday party para sakin pero hanggang ngayon nakokonsensya pa rin ako at naiinis sa sarili ko kung bakit di ako pumunta. [A/N: Dapat lang makonsensya ka Pot-pot! Tsss.] Bukas nga birthday na niya e, sakto sabado. Kailangan kong bumawi. Pero kailangan ko muna siyang suportahan ngayon. Ngayon na kasi malalaman kung sinu-sino ang mae-elect sa Student Council. Tumakbong President si Jeng e, marami kasing may gusto na tumakbo siya, kaya ayun. Ang nakakainis lang, si bentilador, este si Eli ang Vice niya. Tch. Sana di manalo si bentilador. Bwahahahaha. Pero kung manalo siya, ayos lang din, may magbabantay naman kay Jeng-jeng e, tumakbong Treasurer si Erwin at Auditor naman si Diego, kaya walang magagawa yung Eli na yun. Ako? Di ako mahilig sa ganyan, kaya di ako tumakbo. Susuportahan ko na lang bestfriend ko noh. 

Brrrt. Brrrt. Brrrt.

From: Diego

Bro, asan ka na? Dito kami sa Multi-Purpose Hall. Malapit na matapos yung program. Bilisan mo na.

Ay. Onga pala, after ng program, announcement of winners na. Makababa na nga. Nagwawi-fi pa ako dito sa library e. Nilalike ko pa yung mga pics ng party nila Jeng-jeng e. Hehe. Pagkababa ko sa Multi [A/N: Short for Multi Purpose Hall], andami ng tao. Di ko makita sila Jeng-jeng. Maitext nga si Diego..

To: Diego

Bro! San kayo? Dito na ako. Di ko kayo makita.

Takte. Lahat ata ng HS students nandito ah. Akala ko mga first section lang.

From: Diego

Dumilat ka bro, para makita mo kami. HAHAHA! Hanapin mo sila Juls, nakaupo sila sa may bandang kanan sa unahan, malapit sa party nila Ella, nireserve ka na nila ng upuan. 

Tsss. Ang corny neto, Nakuha pang magjoke. Hinahanap ko sila Julia. Ayun! Nakita ko na! Pero bago pa ako makalapit. Nagvirate ulit yung cellphone ko. Tinignan ko. Si Diego ulit. Problema neto?

From: Diego

Bro! Dalian mo! Ang ganda ng view ko dito. Ewan ko lang kung maganda rin para sayo. Bwahahahaha. *evil smile*

Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon