Raindrop # 29

14.6K 210 57
                                    

Hi Pretty! Yieee. ^___^ HAHAHA! Salamat sa support, lalong lalo na sa ALL CAPS mong comments. HOHO. Love love. <3 God bless. >:D<

__________________________________________________________________________

Chapter 29: GILLETTE

Pot-pot’s POV

“Hahahahaha----ahh, guys una na ako, may gagawin pa pala ako. Bye!” sabi ni Jeng-jeng nang dumating ako sa tambayan. Ilang araw na rin siyang ganito sakin matapos ang away namin ni Eli. Nag-sorry na rin ako sa kanya pero parang wala namang nangyari. Hindi man lang niya ako magawang ngitian o kausapin, pasalamat na lang siguro ako at nagagawa niya pa akong tignan o lingunin. Psh.

“Hindi pa rin ba kayo nagkaka-ayos?” tanong sakin ni Erwin.

“Ayos na kaya kami, kita mo naman diba, ang saya-saya nga namin e, sa sobrang saya namin hindi na kami nagpapansinan.” Sarkastiko kong sabi kay Erwin. Halata naman kasing hindi pa kami ayos diba?


“Bro, wag ka namang ganyan.” Sambit naman ni Diego.


“Sorry bro.” sabi ko sabay upo sa tabi ni Erwin. Tinapik niya naman ang braso ko na parang sinasabing ‘ayos lang’. “Hindi ko na kasi talaga alam gagawin ko para magkabati kami ni Jeng-jeng e.” malungkot kong sabi.


“Bakit di mo na lang kaya ulit siya i-surprise? Do something that’ll convince her na gustong-gusto mo nang magkabati kayo, just like the one you did sa mall.” Masiglang sabi ni Julia.

“Check! I agree with Juls!” sabi naman ni Britney.


“E nagawa ko na kasi yun e, wala na akong ibang maisip na way to surprise her.” Sabi ko naman.


“What if, kidnapin mo siya tapos dalhin mo siya sa lugar na favorite niyo tapos dun ka mag-sorry?” suggestion ni Julia.


“Sinubukan ko na  yan, kaso di ako makatyempo-tyempong makidnap siya kasi laging nakabuntot ang benti—este si Eli sa kanya.” Walang gana kong sagot.


“E kung pumunta ka sa bahay nila tapos dun ka na lang magsorry, kilala ka naman ni Nanay Flor so papapasukin ka naman siguro nun.” Suggestion naman ni Erwin.

Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon