Raindrop # 12

16.2K 173 19
                                    

Hello! Chapter 12 is for you, natuwa talaga ako sa comment mo. Thanks din sa pag-fan! *powerhug* God bless!

_______________________________________________________________________ 

Chapter 12: D I N N E R

Jeng-jeng's POV

Alam niyo yung mabilis? Yun ay ang oras! [A/N: at ako din, kasi fast forward na naman. Hehe. Sensya naman po.] 3rd week na kaya ng buhay senior namin. Tapos sa July 7 birthday na ni Pot-pot. Hayyy... Ano kayang special na pwede kong gawin? Alam niyo ba...sa loob lang ng 2 buwan na summer vacation ang dami na nangyari, isa na jan yung pagiging temporary member ko ng bandang 'The Aftershock' - super sikat talaga sila, kaya sa loob ng tatlong performance namin sa The Grandeur, laging puno ng tao. Kahit ang barkada nakinood din. Naikwento ko na kasi sa kanila ang tungkol dun. Sa tatlong performance na yun, ni isa walang napuntahan si Pot-pot, oh diba? Ansakit lang. Syempre, nandun siya madalas kay Lizzie e. Buti na lang medyo naaaliw na rin ako sa pagsama sa banda, kahit papano medyo nakakalimutan ko si Pot-pot. Pero naaawa din naman ako kanila Eli, lagi silang dinudumog after ng performance, buti na lang ako, hindi. Bakit? Kasi nakiusap ako kay Auntie na kapag nagperform ako gusto ko nakamaskara ako, at yun pumayag naman sila at itnago na lang ako sa pangalang "River". Si Eli nagsabi niyan, amazona river daw kasi. Tsss. Corny niya, amazon lang yun e. Speaking of the devil, este Eli, dito na rin siya nag-aaral sa school namin ngayon, yung ibang members, bumalik na sa Singapore, humingi sila ng 1 year vacation e, ang sasabihin daw sa fans, nagpeprepare para sa comeback at sa bagong album. Madalas siyang dinudumog ng mga babae dito sa school pero iniiwasan naman niya tapos parang asong buntot ng buntot sakin, ipagtanggol ko daw siya kasi amazona naman daw ako. Tsss. Actually, close na kami, close na rin siya sa barkada kaya madalas namin siya kasama, mas madalas pa kaysa kay Pot-pot ni Lizzie. <//3 

"Guys, punta kayo sa The Grandeur mayang dinner, my treat. Ano okay lang ba?" sabi ni Eli, nandito kami ngayon nakatambay sa may school garden.

"Waaaa. We'd love to!" naeexcite na sagot ni Julia at Brit, mga sabik sa The Grandeur. Hehe.

"Game kami jan pre, si King Eli ba naman mag-alok sa amin, sino bang tatanggi." sabi naman ni Diego.

"Haha! Thanks guys." Eli. Tsss. Kala mo kung sinong mabait. 

"Ikaw Ella, di ka ba sasama? Wag mong sabihing sawa ka na sa The Grandeur porket madalas ka dun nung summer. Kaw na talaga!" sabi naman ni Erwin.

"Hoy, Ellabels, subukan mo lang di sumama, F.O na." ay, OA ni Juls, F.O agad? Haha. Inaantay ko lang dumating si Pot-pot, para kapag sumama siya, sasama din ako. ^__^ Ay, ayan na siya, naglalakad na parating sa amin.

"Oy, kamusta na buhay ng boypren ng artista?" tanong ni Diego.

Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon