Raindrop # 31

14.3K 195 72
                                    

 Hello! Pa-promote daw po ngstory na Meant to be. <3 ni kpopers65. Basahin niyo po sana! Click niyo lang po yung external link. SALAMATERS! =)))

___________________________________________________________________________

Chapter 31: SECOND BUTTON

"...Congratulations Graduates!" pagtatapos ng Principal namin sa speech niya at signal na rin na tapos na ang program.

"Hoy Julia, bakit kanina ka pa kiss ng kiss jan sa hawak mong butones ha?" sabi ko agad kay Julia nang makalapit ako sa kanila ni Brit matapos ang ceremony.

"Ganun talaga kapag second button, Ella." sabi naman sakin ni Brit tapos meron din siyang butones na tinititigan habang nakangiti.

"Ano naman kung second button? Butones pa rin naman yan. Parang timang kayong dalawa. Jan na nga muna kayo, puntahan ko lang si Momsie." sabi ko. Yep. Umuwi Momsie ko. Hoho! 

"Momsie! San tayo? ^____^" tanong ko kung san kami pupunta para magcelebrate. 

"Sa Resto na lang daw tayo nila Tito Allan mo, sama-sama na daw tayong magcelebrate." sabi ni Momsie. Si Tito Allan, tatay ni Erwin. "Tawagin mo na sila Julia, antayin namin kayo sa parking lot ha." pahabol pa ni Momsie  at sabay-sabay na silang umalis ng parents ng mga kabarkada ko sa hall para pumunta na sa Parking lot.

"Guys! Punta na daw tayo sa parking lot, sabay-sabay daw tayong magsecelebrate." sabi ko nang makalapit ako kanila Juls at Brit na ngayon ay kasama na si Erwin.

"Wow! Sige, tara na!" masiglang sabi ni Brit habang naka-cling sa braso ni Erwin.

"Teka lang, wala pa si Bee at Patrick." sabi naman ni Julia.

"Ako na lang tatawag Juls, hahanapin ko din si Nanay Flor e." nagbanyo kasi si Nanay Flor tapos di pa din bumabalik.

"Oh sige Ellabebs, dalian niyo ah. Haha!" sabi ni Juls at umakbay kay Brit saka naglakad palayo.

Asan na kaya napadpad yun si Nanay Flor? Ayun! Si Nanay Flor yun ah, teka, sino yung kausap niya? Malapitan nga.

Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon