Heyie! Eto na po Chap. 11. Sana magustuhan niyo. *crossfingers* Hehe. :"">
Mahaba haba pala 'to. Hehe.
__________________________________________________________________________
Chapter 11: BITTERSWEET
Jeng-jeng's POV
Isang linggo na ang nakalipas, wala pa ring Pot-pot na nagpupunta dito sa bahay, wala pa ring Pot-pot na nagtetext o tumatawag at higit sa lahat wala pa ring Pot-pot na nagsosorry. Eto na ata pinakamatagal naming away e, dati kasi medyo nagkakasagutan kami pero magsosorry din agad kung sino may kasalanan, di nga tumatagal ng isang araw ang tampuhan namin e, tapos ngayon, one week ang inabot. Ganun ba talaga siya kagalit sa akin? Tunganga mode tuloy ako lagi, sila Julia kasi umuwi ng Bicol, may ikakasal daw na relative, pinayagang sumama si Diego sa kanila, sobrang legal sila e, si Kuya Neil at Ate Yen naman, sobrang busy sa pag-aasikaso ng mga college requirements nila, si Erwin may sasalihang Tennis Tournament, kaya madalas ang training, siyempre sinasamahan siya ni Britney---Ako? NGANGA! Madalas na lang akong magbasa ng manga, matulog, o kaya kapag nasa mood gumagawa ako ng tula at nagkocompose din ng kanta. Hay nako...makapag fb at twitter na nga lang.
Boooooom!
"Feeling better. <3 ^___^" bumungad agad sa newsfeed ko sa fb yung status ni Pot-pot. Ganun? Feeling Better? E hindi pa nga kami nagkakabati e. Tssss.
"Seloso. Pero mahal mo. <3 ^___^" bumungad naman sa timeline ko sa twitter, okay na siguro si Pot-pot, siguro nakapag explain na si Lizzie, ni-retweet pa nga ni Lizzie yan e. Ewan ko pero parang bigla akong nakaramdam ng sakit, masaya si Pot-pot samantalang eto ako, sobrang lungkot kasi natiis ako ng bestfriend kong di man lang kausapin sa loob ng isang linggo. Ayoko naman ako unang magsorry, di ko naman kasalanan e. Diba? Tsaka ano e, uhm...ma pride akong tao. Yan ang ayaw ko sa sarili ko e...
"Notebook of Love: Strangers can become best friends just as easy as best friends can become strangers." Ouch. Nabasa ko lang sa twitter. Siguro nga totoo yan. Shemay. Naiiyak ako kapag naiisip kong magiging strangers na lang ulit kami ni Pot-pot.
Tok.tok.tok
"Ma'am Ella, may naghihintay po sa inyo sa sala." sabi ni Nanay Flor. Waaaa. Baka si Pot-pot na yun. Dali dali akong lumabas ng kwarto tapos nakita ko si....
si Auntie.
"Auntie Loooooove!" sigaw ko tapos yakap sa kanya. "Waaaaa. Kelan ka pa bumalik? Pasalubong ko ^___^?" Siya si Aunti Love, bunsong kapatid ni Momsie at favorite Auntie ko, galing Singapore yan, manager ata siya dun, manager ng artista, yun ang alam ko.
BINABASA MO ANG
Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)
Fanfiction"Love...even though it's such a simple emotion, why is it that just as you fall in love, things get difficult?"