Ola readers! Ako si Dora! Chosss. Eto na po ang update. Pagpasensiyahan niyo na po. Pwede po manghingi ng feedbacks? Hehe. Thanks a lot itlog na maalat! =)) God bless!
__________________________________________________________________________
Chapter 19: SAY GOODBYE
Pot-pot's POV
Hayyyy. Halos tatlong buwan na rin kaming di nagpapansinan ni Jeng-jeng. Oo, nagkikita kami sa school, pero kapag nakikita niya ako, parang wala lang. Siguro nga nasaktan ko talaga ang bestfriend ko. Ilang beses ko din tinangkang mag-sorry pero hindi pa rin umepekto. Nagpaka-stalker pa nga ako para makapagsorry lang e. Tumityempo kasi ako na hindi niya kasama si Eli, kasi kapag lalapit pa lang ako, ilalayo na agad sakin ni Eli sakin si Jeng-jeng. Magmula nung di kami magpansinan ni Jeng-jeng, si Eli na ang lagi niyang kasama, balita ko pa, sumasama daw siya minsan sa mga gig ni Eli sa The Grandeur. Hayyy. Sobrang miss na miss ko na si Jeng-jeng. Gustong-gusto ko ng magkabati kami...
bzzzt. bzzzt. bzzzt.
From: Diego
Bro, may performance daw bukas si Ella sa The Grandeur. Narinig ko sa usapan ni Bee at ni Brit, kaya pupunta kami bukas. Sama ka ha.
Performance? Bukas? Osige. Linggo naman bukas, tsaka baka pwede na ulit humingi ng sorry. Bahala na. Basta kailangan magkabati na kami ng best friend ko.
To: Diego
Salamat sa info bro. Kaso may lakad ako bukas e. Next time na lang siguro.
Yun ang sinabi ko kasi kapag sumama ako kanila Diego, siguradong mapapansin agad ako nila Jeng-jeng at Eli, siguradong iiiwas agad sakin ni Eli si Jeng. Dapat ako na lang ang kikilos.
From: Diego
Ganun ba bro? Sige, ikaw din. Chance mo na 'to oh. Mula sa narinig ko sa girl talk ni Bee at Brit, medyo okay na daw si Ella. Malay mo magkabati na kayo.
Oh? Talaga! Wooo. Salamat Diego! Hulog ka ng langit. Salamat sa pagiging eavesdropper mo.
To: Diego
Talaga bro? Magandang balita yan. Basta, wag ka mag-alala bro, magkakabati din kami. Gagawa ako ng paraan. Salamat ulit sa eavesdropping skills mo. Haha!
From: Diego
Whatever bro. Kaw na tinulungan jan e. Basta, kaw na bahala. Good luck bro.
To: Diego
Thanks bro!
BINABASA MO ANG
Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)
Fanfiction"Love...even though it's such a simple emotion, why is it that just as you fall in love, things get difficult?"