Love Rain. (Raindrops-EPILOGUE)
Wait lang! Sa mga nakabasa nung naipost ko ito ng hindi pa tapos, quiet lang kayo ah. HAHAHA. Yung mga di natutulog jan, kayo po yung tinutukoy ko. :))) Hoho.
Sa mga classmates ko na nakadiskubre nito, UTANG NA LOOB, atin-atin na lamang ito. PLEASE? HOHOHO. Love youuuu mga 'te! <3
Ito na po! ENJOY! :))
________________________________________________________________________
Jeng-jeng's POV
Pagdilat ko ng mata ko, nasa isang kwarto ako.
Yung kwarto na kamukha ng lugar na pinagdadalhan sa mga kriminal para umamin. May isang bumbilya na nagsisilbing ilaw sa kwarto, may mesa sa tapat ko at ako naman ay nakagapos sa upuan. KINAKABAHAN TALAGA AKO.
"Nasan ako? Eli? Lizzie? Nasan kayo?" sigaw ko. Kahit na pakiramdam ko, ako lang mag-isa dito. Para akong tangang paulit-ulit na tumatawag pero wala naman sumasagot.
"Nasan ako? Eli? Lizzie? Nasan kay---SINO KA? PAKAWALAN MO NA NGA AKO!" Sabi ko. May bigla kasing nagtakip sa mata ko. Nanggaling siya sa likuran ko kaya di ko nakita ang mukha niya.
"Shhh. Be quiet. Sagutin mo lang ang mga tanong ko, tapos papakawalan na kita." Bigla akong natigilan. Kilala ko ang boses niya. Kilalang kilala. Imbes na kabahan ako, bigla akong nabuhayan ng loob. "First, do you swear to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth?" Ano ba 'to, parang witness ang peg ko ah.
"I swear to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth." seryoso ko namang sagot. Sakyan na lang natin ang trip niya. :)
"Well then, let's start." Start? E diba nagtanong na siya kanina. Tss. "May kilala ka bang Patrick Padilla?"
"Meron."
"May best friend ka bang pangalan ay Pot-pot?"
"Meron." sagot ko at unti-unti nang napapangiti.
"Bakit ka ngumiti? Ay! Teka, hindi yun kasama sa tanong ah! Uhm, ano, teka..." Hahaha! Ano ba yan siya, nataranta pa ata. "Eto na talaga." simula niya tapos narinig ko siyang huminga ng malalim. "Totoo bang nagkagusto ka sa best friend mo pero di mo sinabi sa kanya dahil boyfriend siya ng malapit mong kaibigan?"
BINABASA MO ANG
Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)
Fanfiction"Love...even though it's such a simple emotion, why is it that just as you fall in love, things get difficult?"