Hello! Sorry di na nakahabol sa birthday mo, kadarating ko lang kasi e. Hihi. Belated Happy Birthday! God bless. Love love. <3
_________________________________________________________________________
Chapter 30: I LOVE YOU
Pot-pot’s POV
“I love you.”
“I love you too.” Nakangiti niyang sagot sakin makalipas ang ilang segundo.
“Talaga? Mahal mo din ako Jeng? Yes! Yuhoo! Yip---“
“Shhh. Wag kang maingay baka magising ang mga faci.” Saway niya sakin. “Oo naman, mahal kita, best friend kaya kita! Haha! Andrama mo ngayon Pot-pot ah.” Sabi pa niya. Tsss. Mukhang di niya ata ako naintindihan.
“Jeng, di mo ako naiintindihan e, MAHAL KITA.” Sabi ko with emphasis sa ‘mahal kita’ at nakatingin ng diretso sa mga mata niya sabay hawak sa mga kamay niya.
“Sus. Naglalambing ang best friend ko. Mahal din naman kita e.” nakangiting sabi niya sabay pisil sa ilong ko.
“JENG MAHAL KITA HINDI LANG BILANG BEST FRIEND!” Medyo pasigaw kong sabi, buti na lang di ganoon kalakas kundi nabulabog na sana ang buong retreat house. Nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat, hindi siya makasagot sa sinabi ko kaya naman nagsalita na lang ulit ako “Jeng, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo para sakin pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita. Alam kong tanga ako para ngayon lang sabihin ‘to sayo, ngayon kung kailan sa tingin ko e masaya ka na sa piling ni Eli. Wala sa plano ko ang guluhin ang damdamin mo Jeng, pero natatakot kasi ako na makuha ka sakin ni Eli e kaya kahit ano man ang maging resulta, gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako, babawiin kita kay Eli.”
“Po-Pot-pot…” utal-utal na sabi ni Jeng na parang gulat pa rin sa mga pinagsasasabi ko.
“Jeng, hindi ko naman agad hihingin ang sagot mo, handa naman akong maghintay e, sapat na sakin ngayon na malaman mo ang nararamdaman ko.” Pagpapatuloy ko.
“Pot-pot, uhm..pa-papasok na muna ako ah…” sabi niya sabay bitaw sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)
Fanfiction"Love...even though it's such a simple emotion, why is it that just as you fall in love, things get difficult?"