Raindrop # 21

15.2K 192 32
                                    

Hello po! Salamat sa pag-fan! Keep on supporting Raindrops. :) God bless! <3

Dahil ang bait bait niyo readers at nagbibigay kayo ng feedback. Itong sa inyo! Shing shing! Chapter 21! Hyaaaaa! K. Corny ko. HAHAHA. Do enjoy this chapter guys. Hehe. :))

_____________________________________________________________________________

Chapter 21: GETTING OVER HIM

Jeng-jeng's POV

Life is indeed beautiful! Ansaya ko noh? Halata ba? Siyempre, back to normal na ulit kami ni Pot-pot, ilang linggo na rin kasi ang nakakalipas mula ng magkabati kami. Dito nga kami ngayon sa mall e. Wala lang, bonding lang. 

"Uy, Jeng-jeng, pagod na ako. Kain na muna tayo." hinihingal na sabi ni Pot-pot, kakatapos lang kasi namin magbasketball sa Time Zone. Hehe.

"Alam mo, andaya mo, porket panalo ka na, aayaw ka na. Di pa nga ako nakakabawi e." sabi ko with matching pout.

"HAHAHA! Mukha kang siopao Jeng. Tama na nga yan, di bagay e. Kumain na lang kasi tayo. Tara naaaa!" sabi niya sabay hila na sakin.

"Mang Inasal?!? Seryoso ka ba Pot-pot? Don't tell me mag-unlimited rice tayo?" tanong ko at sinagot niya lang ako ng abot tengang ngiti.

"Adik ka! Bakit ang PG mo na ngayon?" sabi ko sa kanya nang makahanap kami ng mauupuan sa taas, dito kasi halos wala ng tao, gabi na rin kasi at pasara na ang mall.

"Nakakapagod kaya makipaglaro sayo, paulit ka nang paulit, lagi ka namang talo. Hahaha!" pang-aasar niya sabay pisil sa ilong ko.

"Aray! Oo na, lagi na akong talo. Umorder ka na nga dun. Gutom na ako e! Order na dali! Shooo!" pagtataboy ko sa kanya.

"Opo, oorder na po ako My Princess." sabi niya sabay alis

Alam niyo ba? Di na ako masyadong naiilang kay Pot-pot. Parang nasasanay na rin ako na hanggang dito na lang talaga kami. Maybe, I'm really getting over him. Sana magtuloy-tuloy na 'to. Ayaw ko na kasi ulit maramdaman ang lahat ng sakit na naramdaman ko dati e. You know.

Mga ilang minutes din ako naghintay tapos may narinig na akong paakyat, kaya lumingon na ako...

O_____O Bakit ganyan ang reaksiyon ko? Kasi ba naman, kasama ni Pot-pot si Lizzie at Eli. Tinignan ko lang sila hanggang sa makalapit sila sakin.

"Hi Ellababy! Musta na?" sabi ni Lizzie, pagkatapos niyang bumeso sakin, tapos umupo na at hinila si Pot-pot sa tabi niya, kaya tumabi naman sakin si Eli.

Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon