Raindrop # 8

16.8K 180 24
                                    

Thanks sa pag-fan! Teehee. *Powerhug* [galing sa amin yan nila Jeng-Jeng at Pot-Pot] HAHA! Keep on supporting my story. God bless. ♥ 

So here's Chapter 8. 

[PIC]: Sad si Ella oh, bakit kaya? ------------------------------------>

__________________________________________________________________________

Chapter 8: C O W A R D


Jeng-Jeng’s POV

 

*screeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeech*

“Pot-poooooooot!” sigaw ko…



Minulat ko ang mga mata ko. Hay… salamat, panaginip lang pala. Pero patuloy pa rin ako sa paghagulgol, tapos biglang pumasok si Pot-pot sa kwarto ko na hingal na hingal…

“Jeng-jeng, bakit ka sumigaw? May masakit ba sayo? Nahihilo ka ba? Ano?”natarantang sabi ni Pot-pot, lagi siyang ganyan kapag may sakit o kaya umiiyak ako e, natataranta. Nakahawak lang siya sa dalawa kong balikat tapos parang niyuyugyog niya ako.“Jeng-jeng..bakit, may problema ba?” malumanay niyang tanong. Ilang minuto na rin pala akong nakatulala habang umiiyak.. I just can’t get over my dream, nightmare actually.

Bigla ko na lang niyakap si Pot-pot, dahil na rin siguro sa tuwa ko na panaginip lang ang lahat, panaginip lang...



na………….hindi siya nagalit,

na……….…hindi siya naaksidente,

na………….hindi niya ako lalayuan.

Hay…salamat naman.. “Sorry, sorry, sorry talaga Pot-pot, di ko na uulitin, wag ka lang magagalit sa akin please, please, please. Sorry na Pot-pot.” Sabi ko habang umiiyak pa rin na nakayakap sa kanya, hinahaplos haplos niya naman ang likod ko.

“Hindi ako galit Jeng-jeng, bakit naman ako magagalit sa sayo, ang sakin lang naman e sana umuwi ka na nung umuulan na kas---" hindi na natapos ni Pot-pot ang sinasabi niya, tinakpan ko kasi ng kamay ko ang bibig niya, baka kasi mauwi lang sa pagtatalo kung babanggitin niya yung nangyari e, mahirap na, baka mangyari pa yung kagaya sa bangungungot ko. “Pot please, wag na natin pag-usapan yung nangyari, baka lalo ako magkasakit niyan.” Sabi ko sabay punas sa luha ko, sumang ayon naman si Pot-pot sa pakiusap ko. Thanks bro! J

Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon