Raindrop # 7

16.4K 177 33
                                    

Hello! Chapter 7 is for you! :)) Sobrang THANK YOU ulit sa lahat. Teehee. *POWERHUG*

Please keep on supporting my story. :)) God bless! ♥

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- 

Chapter 7: BEEEEEEEEEP!

Jeng-jeng's POV

Naramdaman kong nakahiga na ako sa isang malambot na kama, kaya minulat ko ang mga mata ko. Kwarto ko to ah. Pano ako napunta dito? Sinubukan kong umupo pero bumagsak ako, para bang hinang hina ako. Maya maya pa, may narinig akong nagsalita....

"Mabuti naman at gising ka na." si Pot-pot, may dala-dalang basang bimpo at maliit na palanggana.

"A--a-anong nangyari?" nauutal kong tanong kay Pot-pot, pinipilit ko kasing umupo pero hirap talaga ako.

"Humiga ka na lang, hindi mo pa kaya." sabi ni Pot-pot habang dahan dahan niyang inaayos ang unan sa may uluhan ko. "Ang taas pa rin ng lagnat mo." pahabol pa niya.

Bakit parang ang tipid ng mga sagot ni Pot-pot? Teka nga galit ba siya? Tinitignan ko lang siya habang inaayos niya ang bimpo sa may noo ko, magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagsalita....

"Teka lang ha, kukunin ko lang yung nilutong sopas ni Yaya Flor." sabi ko na nga ba e, galit siya. Kasi kapag may sakit ako hindi siya mapakali, halos di nga siya umalis sa tabi ko e, tapos ngayon, parang wala lang. Bakit ba kasi siya galit? Anong ikinagagalit niya? Para namang ewan to si Pot-pot e, kita na nga niyang may sakit tong bestfriend niya tapos ganyan pa siya umarte. Kainis.

Pumasok na siya sa kwarto. Dala ang sopas. Nilapag niya ito sa may side table ko at tinulungan ako makaupo. "Kumain ka ah. kailangan to ng tiyan mo." sabi niya sabay subo sa akin ng sopas. Nang maubos ko na ang sopas, nililigpit na niya ang pinagkainan ko....

"Uhm...Pot-pot...ga-galit ka ba sakin?" kinakabahan kong tanong.

Walang sagot, tuloy pa rin siya sa pagliligpit. Tapos lumabas ng kwarto ko dala yung pinagkainan ko. Pagpasok niya, may dala siyang gamot at tubig.

"O, inumin mo 'to." sabi niya at sinunod ko naman siya baka lalo pang magalit e. Pagkalapag niya ng baso sa may side table, nagtanong ulit ako...

Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon