Raindrop # 9

16.3K 186 23
                                    

Hellooooo! Thank you sa pag fan. *Powerhug* God bless. ♥

Dahil masaya ako sa dumadaming readers. Eto na po. 2nd update for this day. 

Sana magustuhan niyo 'tong chapter na to. Teehee. ♥

[PIC] Pot-pot & Jeng-jeng: Ano kayang nangyari? ------------------------------------>

____________________________________________________________________________ 

Chapter 9: SHE'S THE GIRL!

Jeng-Jeng's POV

GRABE. As in graaaabe lang talaga. Ang bilis ng panahon akalain niyong April na kaagad, summer vacation na!!! Malapit na rin akong maging senior student. Hayyy... Update? Eto in love pa rin sa bestfriend ko, habang sila naman ni Lizzie ay going strong. -___- Hindi naman sa masama ang loob ko kay Lizzie, kaibigan ko din naman yan bago pa maging sila ni Pot-Pot, pero long story kung pano kami nagkakilala.Hehehe. Ilang boylets na rin ang pinakilala sa akin nila Brit, pero wala talaga e, walang akong makitang something sa mga pinakilala sa akin.

Alam niyo ba hanggang ngayon di ko pa rin kilala kung sino yung nagligtas sa akin sa ulan, kahit ilang buwan na ang nakalipas, ang sabi kasi ni Nanay Flor (Yaya Flor) paglabas niya daw sa pinto matapos niyang makarinig ng doorbell, buhat buhat daw ako ng isang lalaki...

*FLASHBACK*


Nanay Flor's POV

[A/N: Taray! May POV din si Nanay Flor! HOHO]

"Naku, anong nangyari sa alaga ko? Bakit basang basa siya?" tanong ko sa binatang buhat buhat pa rin ang alaga ko. "Iho, pakipasok mo naman siya at pakilapag na lang sa sofa kung pwede." pakiusap ko sa binata habang sinamahan ko siya papunta sa sala. 

"Kayo na po ang bahala sa kanya, eto po yung gamit niya. Sige po, kailangan ko nang umalis." sabi ng binata matapos niyang ilapag sa sofa ang alaga ko. "Teka lang iho--" Tatanungin ko nga sana kung ano pangalan niya kasi ngayon ko lang siya nakita e, kaso umalis kaagad, mukhang nagmamadali. Pinabayaan ko na lang at inasikaso ko na ang alaga ko.

*END OF FLASHBACK*

Jeng-Jeng's POV

Yun ang kwento sa akin ni Nanay Flor, kaya yun din ang sinabi ko sa barkada. Inaasar nga ako dun nila Julia e, baka daw siya na ang pinakahihintay kong Romeo. Tsss. As if. Ni hindi nga sinabi yung pangalan e, pero sabi ni Nanay Flor, gwapo daw at halos ka edad lang daw namin. Na curious tuloy ako, pero hindi ko siya gusto noh. Snob. Di man lang nagpakilala. Pero salamat sa kanya nakauwi ako ng buhay nung gabing yun. Hehe. Months have passed pero wala man lang special na nangyari, wala masyadong events sa school at wala ring nangyaring Prom, namatay kasi yung Principal namin, asawa ng may-ari ng school, so may ari din siya ng school. Hehe. Gulo ko magkwento. So ayun nga, buti pa si Lizzie, super blessed. May mapagmahal na siyang boyfriend, ang ganda pa ng career. May bago na naman nga siyang movie e. She already! Osige, tama na kakakwento nasa sala na daw si Pot-pot e, gagala kami ngayon. Magbabonding lang kami. :""> Parang date lang. Hehe. OK. Ang feeler ko.

Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon