Heyie! Girrrl! Dedicated 'to sayo kasi ano, SALAMAT sa compliments at sa support! Hoho. TC. God bless! *powerhuuuuug*
____________________________________________________________________________
Chapter 22: MOVED ON
Jeng-jeng's POV
After ng naging pag-uusap namin ni Pot-pot, ayos na naman ang lahat. Hindi na siya kumukontra sa panliligaw ni Eli. Bahala na daw ako, kaya ko na daw sarili ko. Ewan ko dun. Parang sumusungit ata ngayon. Maya't maya akong nakakarinig ng mga "Tsss", "Pasikat", "Daming alam" sa tuwing may ginagawa para sakin si Eli. Para siyang laging may sumpong. Sa ilang buwan na panliligaw sa akin ni Eli, ni hindi ko man lang siya narinig purihin ito pero napakasweet naman ni Eli. Minsan nga lang mangangasar pa rin, pero ayos lang, nasasanay na rin naman ako e.
"Uy, girl, tulala ka jan, volleyball daw tayo tara!" yaya sakin ni Brit. Nandito kasi kami ngayon sa private beach nila Julia, birthday celebration niya kasi kaya kompleto ang barkada, pati nga si Lizzie sumama e, di naman daw kasi siya masyadong busy. Yaman nila Juls noh? Ambassador daddy nun e.
"Oh ayan na pala si Ella e, kompleto na tayo!" sabi ni Kuya Neil tapos pumwesto na sila. Bale ang magkakakampi, ako, si Pot-pot, Julia at Diego. Sa kabilang team naman si Kuya Neil, Ate Cassie, Brit at Eli. Di makapaglaro si Erwin kasi masakit yung braso, si Lizzie naman, manonood na lang daw siya sa may cottage sa may di kalayuan.
"Go bunchie kaya mo yan!" cheer ni Erwin kay Brit.
"Thanks bunchie!" sabi naman ni Brit sabay flying kiss.
"Andami niyong arte! HAHA! Kala niyo naman championship 'to. Hahahaha!" sabi ni Kuya Neil at nagtawanan na rin ang barkada.
"Hayaan niyo na lang sila, gusto nilang magpakasweet e, bakit ba? Hahaha!" sabi ni Pot-pot sabay tawa din. Sumimangot ako.
Lumapit siya sakin at bumulong. "May problema ba Jeng?"
"Wa-wala naman. Ano lang kasi e, bakit kapag samin ni Eli, hindi ka ganyan?" nahihiya kong tanong sa kanya. Kapag sa iba kasi parang suportado niya tapos akong best friend niya e, wala lang.
"Ha? Ah...e...guys, simula na tayo." Tch! Iniwasan na naman ang tanong ko. Tsss.
Ayun, nagsimula na nga kami. Ansaya lang. Kahit nadadapa dapa kami sa buhangin ayos lang. Ansaya e. Kaso may kakaiba, parang ang O.A ata ni Pot-pot, sa bawat subsob ng tuhod ko sa buhangin lalapit siya para pagpagan ito. Hala siya. -___-
"Ella, sayo!" sigaw ni Julia, papunta kasi sakin yung bola.
BINABASA MO ANG
Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)
Fanfiction"Love...even though it's such a simple emotion, why is it that just as you fall in love, things get difficult?"