Helloooo! Salamat sa pag-fan. Keep on supporting Raindrops. HOHO. God bless! *powerhug*
Here's the part 2 of Chapter 17. Sana magustuhan niyo.
___________________________________________________________________________
Chapter 17-B: D E C I S I O N
Jeng-jeng's POV
July 17, Jeng-jeng's BirthdayWoooo. Ang sayaaaa. Napakasayaaa. Hindi naman halatang masaya ako diba? ^___^ Hehe. Ang saya kasi ng party namin ng barkada, bukod sa nabusog ako sa masasarap na pagkain, nabusog din ako ng hangin kakatawa. Ang saya talaga kapag kompleto ang barkada. Natuwa din ako ng sobra sa mga regalo nila sakin, lahat sila nagbigay ng gift maliban lang kay Eli. Ewan ko ah, pero parang nakaramdam ako ng lungkot, hindi dahil sugapa ako sa regalo, pero parang iba e. Ang sabi niya kasi, nakalimutan niya raw bumili. Pwede ba yun? Nakalimutan? Akala ko pa naman, close na kami. Hay nako, di ko muna iisipin yan, ang dapat kong isipin ngayon e yung date este lakad namin ni Pot-pot. Hinatid niya lang kasi ako dito sa bahay after ng party namin ng barkada e, magbihis na daw ako maya-maya. Na-move kasi ng 9pm yung reservation niya. Ewan daw niya dun sa resto kung bakit. Sabi ko ayos lang, late dinner na lang. Haha. Basta, ang sabi niya, magbihis daw ako ng mukhang pang 16 yrs. old hindi daw yung mukhang pambata. Kamusta naman yun? Laitin ba ang birthday girl?
"Ellabebs, eto?" tanong ni Julia habang tinutulungan akon maghanap ng isusuot dito sa closet ko. Nagpaiwan kasi siya after ng party namin ng barkada. Aayusan niya daw ako. Ewan ko sa kanya. HAHAHAHA.
"Cancel yan. Masyado maikli, baka masermonan ako ni Pot-pot." sagot ko.
"Ay, oo nga pala, bawal ang masyadong maikli sa mongheng yun!" paasar naman na sabi ni Julia.
"Haha. Ganun lang talaga yun Juls, di ka na nasanay." sabi ko naman.
"Sus. Possessive lang yun, ayaw niya lang makita ng iba ang pak na pak mong legs. HAHAHA." sagot naman ni Julia.
"Che! Mamili na nga lang tayo, kung anu-ano sinasabi mo jan e." sabi ko tapos namili na ulit kami ng damit.
Halungkat dito. Halungkat Doon.
"Ellabebs! Look oh. Ito na lang, simple but elegant." sabi ni Julia sabay pakita sa akin ng light pink na dress na bigay ni Momsie.
"Onga, galing mo Juls! Isa yan sa mga favorite ko. ^___^" sabi ko naman kay Julia sabay kuha ng damit para maisuot na.
"Anong gusto mong ayos ng buhok? Ayusan kita?" tanong nito sakin habang nakaharap kami sa salamin.
BINABASA MO ANG
Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)
Fanfiction"Love...even though it's such a simple emotion, why is it that just as you fall in love, things get difficult?"