Hello Maddie! Hihi. Salamat nga pala kay Kaleb. You know. Kinikilig akooo. HAHAHA. =)))
Wala muna akong sasabihin. Dun na lang ako dadaldal sa baba. HAHA. =))
_________________________________________________________________________
Jeng-jeng's POV
"Ayaw." Eli.
"Sige na. Andaya mo naman e." ako
"Sige na nga. Oh." sabi niya at ipinakita sakin ang ID niya.
"HAHAHAHAHA! Kung makatawa ka kanina sa itsura ko sa I.D kala mo naman kagwapuhan ka dito. HAHAHA!" pang-aasar ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa isang restaurant. Kumakain ng dinner, halos kakatapos lang kasi namin mag-enroll. Pareho kami ng University na papasukan.
"Tssss. Tawa ka jan." sabi nito at kinuha sakin ang I.D niya.
"Grabe noh. Bilis ng panahon. Parang kakagraduate lang natin ng High School tapos next week pasukan na, College na tayo. Hayyy." Sabi ko at tinapos na ang kinakain ko.
"Oo nga. Akalain mo din, dalawang buwan ko na rin pa lang natatagalan ang amazonang katulad mo. Bilib na talaga ako sa sarili ko." sabi niya habang nakangiti na mapang-asar sakin.
"Aish! Susuntukin na talag---"
"Ops. Tama na. Hahaha. Uwi na tayo, wag mo akong bugbugin dito, maraming tao e, mamaya na lang. Okay?" nakangiti niyang sabi sakin.
"Sabi mo e." sagot ko at nginitian din siya. Ganito kami madalas ni Eli. Chill chill lang, asaran, kulitan...pero medyo nagtataka ako, parang may iba sa kanya nitong mga nakaraang araw e. Kung dati, di siya agad nagpapatalo sakin sa asaran, ngayon, sumusuko siya agad at parang mas malambing siya ngayon, mas pinaparamdam niya sakin ngayon na, mahal na mahal niya ako, kaya alam ko, kung hindi man ngayon, balang araw matututo din akong mahalin siya, kagaya ng pagmamahal ko kay Pot-pot...
*******
"Ingat ka." sabi ko nang makababa na ako sa kotse ni Eli. Nagulat ako bigla siyang bumaba at niyakap ako. "Eli..?"
BINABASA MO ANG
Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)
Fanfiction"Love...even though it's such a simple emotion, why is it that just as you fall in love, things get difficult?"