Hellllooooo! Super THANK YOU sa mga comments mo. Natutuwa talaga ako kasi ang tiyaga mo magcomment sa halos bawat chapter. God bless! ILOVEYOUUUU! *Superduperpowerhuuug*
Sana magustuhan niyo 'to! :)
___________________________________________________________________________
Chapter 18: REAL LOVE
Jeng-jeng's POV
Lunch time na, pero wala pa rin si Pot-pot. Baka hindi siya papasok. Nako, bahala na nga siya. Ito namang sila Julia, kanina pa ako kinukulit na magkwento daw ako tungkol sa date namin ni Pot-pot. Duh? Date. Di ko alam yun. Oo, galit pa rin ako kay Pot-pot, di ko nga alam kung pano ko siya haharapin kung sakaling magkita kami ngayon o kaya kapag huminigi siya ng sorry e. Hindi ko pa ata kayang mapatawad siya.
"Kwento ka naman Ellabebs." sabi ni Julia sabay pout.
"Juls, next time na lang." sabi ko, then I smiled. A bitter one.
"Yeah sure." sabi niya, alam kong naintindihan niya ako. "Uhm, Ella, sorry kung di namin nasagot yung mga tawag mo ah, nasa---"
"Shhh. Wag na muna natin pag-usapan. Kilala ko naman kayo e. Alam kong may dahilan."pagputol ko sa sinasabi nito. Then she answered me with a smile. Pati na rin ang barkada.
*******
-DISMISSAL-
Hindi na talaga pumasok si Pot-pot. Nako. Bahala na talaga siya. Pagod na ako. Hindi ko muna siya iisipin. Hayy. Palabas na kami ng barkada ng mapansin naming maraming reporters sa gate.
"Uh-oh, mukhang may kailangan kang ipaliwanag sa kanila Eli." sabi ni Brit.
"Tama si Britney dude, dami nila oh." sabi naman ni Diego sabay tapik sa balikat ni Eli.
"Teka, ano meron? Bakit magpapaliwanag si Eli?" naguguluhan ako, di ako makarelate sa usapan e.
"Ah, wala naman Ella. Tara guys, sa likod na lang tayo dumaan. Sigurado mang-iintriga lang mga yan." sabi ni Eli at tinignan ng makahulugan ang barkada. Okay. Ako na di maka-relate.
"Ah oo! Intriga. Oo nga, intriga. Hehe. Intriga lang. Diba noh Juls?" sabi naman ni Brit.
BINABASA MO ANG
Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)
Fanfiction"Love...even though it's such a simple emotion, why is it that just as you fall in love, things get difficult?"