Raindrop # 16

15.9K 184 27
                                    

Girl! Hi! HOHO. Thanks sa pag-fan at pagmamarathon. Hehe. :)) Sana mas magustuhan mo pa story nila Pot-pot at Jeng-jeng! God bless! *powerhug*

Eto na po. Sana magustuhan niyo. :"">
___________________________________________________________________________

Chapter 16: SHOWDOWN

Pot-pot's POV

Waaa. I feel so guilty. Hindi ko alam kung pano ako babawi kay Jeng-jeng sa di ko pagsipot kagabi. Tinawagan ko naman si Jeng-jeng pagkauwi ko sa bahay para magsorry, sabi niya okay lang daw, pero alam ko naman na hindi okay. Pero tama naman siguro si Lizzie, maiintindihan ako ni Jeng-jeng. Di ako nakarating sa party na hinanda ni Jeng-jeng for me kasi...

*FLASHBACK*

"Nako sir, baka medyo malate po tayo sa party niyo, grabe po ang traffic e." sabi sa akin ni Mang Ric habang di umuusad ang kotse.

"Mukha nga po e, sige Mang Ric, bababa na lang po ako, magtricycle na lang po ako, medyo malapit na naman po e." sagot ko kay Mang Ric, baka kasi naiinip na sila Jeng at ang barkada e.

"Sige ho, kayo pong bahala, mag-ingat po kayo. Happy birthday po ulit." Mang Ric

"Salamat po, tatawagan ko na lang po kayo kapag magpapasundo na ako." sabi ko at lumabas na sa kotse nang maigilid ito ni Mang Ric.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng mga tricycle, biglang nagvibrate yung cellphone ko, kaya binasa ko yung text...

From: Babe  ♥
7:01pm  

Baaaabe! I need your help, I'm stuck here @ asdfghjkl souvenir shop. Hindi ako makalabas. Please, come here babe. T_T

Shxt! Bakit ngayon pa? Lizzie naman e. Kahit na nagdadalawang-isip ako, pinuntahan ko pa rin ang souvenir shop na yun, alam ko kung saan yun kasi medyo madalas din kami ni Jeng-jeng dun. Yun yung souvenir shop na malapit sa isa sa mga favorite beach namin ni Jeng-jeng. Nagtricycle ako papunta dun. Pagpasok ko sa souvenir shop, walang tao, naikot ko na yung buong shop pero wala talang tao, tapos maya-maya, naramdaman kong may nagtakip sa mata ko at may bumulong sa may tenga ko...

"Happy birthday Babe...." alam kong si Lizzie yun. Naramdaman ko na lang na ginaguide niya ako, hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ayos lang, alam ko namang siya ang kasama ko e, pero kahit na sinurpresa niya ako, hindi ko alam kung bakit pero, parang hindi ako masyadong masaya. 

"Surprise!" sabi ni Lizzie at inalis na niya ang panyo na nakatakip sa mata ko. Nasa isang cottage kami malapit sa dagat at may nakahandang dinner. "Happy birthday Babe! Let's enjoy this night, okay?" pahabol niya.

Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon