Chapter 32: SECOND CHANCE?
Jeng-jeng’s POV
(2 days after the Graduation)
“Ah, manong pakibaba na lang po ako sa tabi.” Sabi ko sa taxi driver. “Nay, una na po kayo sa bahay, may dadaanan lang po ako.” Sabi ko naman kay Nanay Flor. Galing kasi kami sa airport, hinatid si Momsie. Bumalik na kasi siya sa Singapore may tatapusin lang na project dun at pagkatapos ng isang buwan uuwi na siya at dito na magtatrabaho sa Pinas. Yay!
“Osige, wag masyado magpapagabi Hija ah.” Paalala ni Nanay Flor.
“Opo. Bye Nay!” sabi ko at bumaba na sa taxi. Pupunta sana ako sa park para tumambay nang makita ko ang café na lagi naming pinupuntahan ni Pot-pot dati, naintriga ako kasi nag-iba ng itsura, parang umaasenso ata si Kuya Lino ah.
“Kuya Lino! Dami niyo customers ngayon ah. Umaasenso ka na Kuya!” Bati ko kay Kuya Lino na siyang may-ari ng café, suki niya kami dito ni Pot-pot e kaya kakilala na namin siya.
“Sineswerte lang Ella.” Nakangiti niyang sabi. “Di mo ata kasama si Patrick ngayon.” Pahabol niyang sabi nang makaupo na ako sa may tapat ng counter.
“Napadaan lang naman kasi ako Kuya. Haha.” Sabi ko.
“Yung dati pa rin?” tanong ni Kuya Lino kung ano oorderin ko.
“Yep. Tapos brownies na din po.” Sabi ko. Makalipas ang ilang minuto, binigay na rin sakin ng isang crew ang order ko at kumain na ako.
“150 pesos po ma’am.” Sabi ng isang crew nang tanungin ko kung magkano ang inorder ko.
“Okay. Wait lang miss ha.” Sabi ko habang kinakapa kung nasan yung wallet ko.
“Ma’am? May problema po ba?” sabi ng crew, napansin niya atang kanina pa ako kapa nang kapa sa bulsa at bag ko.
“Ah, miss teka lang ah, hindi ko kasi mahanap wallet ko e.” Patay! Mukhang naiwan ko ata kay Nanay Flor. Nahihiya naman ako dito sa crew na magsabing utang muna, e mukhang bago lang siya dito e. Buti kung si Kuya Lino kasi kahit papano kilala ko na yun e.
BINABASA MO ANG
Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)
Fanfiction"Love...even though it's such a simple emotion, why is it that just as you fall in love, things get difficult?"