Raindrop # 14

15.7K 191 31
                                    

Hello po! Thank you sa pag-fan! God bless! *powerhug*

Sana po magustuhan niyo ang chapter na 'to. :"">

[PIC: Bakit kaya sad si Pot-pot?] ------------------------>

_____________________________________________________________________________

Chapter 14: ACTIONS

Pot-pot's POV

Nandito kami ngayon ng barkada sa may tambayan, ito kasing week na 'to e halos lagi na kami magkakasama after dismissal, sinusulit namin bago pa maging busy sa exam sa 1st week of July. May test kasi na dapat i-take yung mga nasa star section every month para mamonitor ang mga natutunan, ewan. Daming alam ng school e. Haha! Pero naiinis na talaga ako, alam niyo ba kung bakit? Pakiramdam ko kasi, iba na ang bestfriend ni Jeng-jeng, hindi na siya madalas sumama sa amin ng barkada, ang lagi niyang kasama ay yung Eli na yun, ano ba meron sa kanila? Tch. Kairita. Kung kailan di ako masyadong busy kay Lizzie, siya naman ngayon ang busy, pano kami makakapagbonding niyan? Kasalanan talaga 'to ng bentilador na yun e.

"Alam niyo guys, feeling ko, M.U na si Eli at Ella." sabi ni Britney.


"Oo nga, lagi silang magkasama, halos di na mapaghiwalay e." gatong pa ni Erwin.

"Kyaaaa. Kinikilig ako, magkakaboyfriend na rin si Ella at take note, artista pa. She already!"sabi naman ni Julia.

"Hoy Julia! Tumigil ka nga, di ako papayag noh!" inis kong sabi, hindi ako papayag na maging boyfriend ni Jeng-jeng ang Eli na yun.

"HAHAHAHAHAHAHA." Nagulat kami sa biglang pagtawa ng malakas ni Diego.

"Problema mo bro? Baliw ka na ba?" tanong ko sa kanya.

"Baka ikaw." simula niya. "You know what bro, you sounded like a a jealous suitor sa sinabi mo. HAHAHAHA." pahabol pa niya.

"What the? Anong jealous suitor ang pinagsasasabi mo jan?" tanong ko kay Diego.

"Jealous suitor, sa tagalog, nagseselos na manliligaw. HAHAHA. Parang kulang na nga lang kasi  sabihin mong 'No, ayoko, di ako papayag na maunahan niya ako'." sabi niya at nagtawanan ang barkada.

Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon