Hey girl! Dedicated sayo 'tong chapter na 'to kasi crush mo din si JUNG YONGHWA. Haha! Tatlo tayo nila @ilovered01 na magseshare sa kanya. Hehe.
Thanks sa pag-fan! *powerhug* God bless!
Waaaa. Sorry kung di na 'to umabot sa 14, di na kinaya ng powers ko. Hehe. Anyhooo, sana magustuhan niyo. =))))
__________________________________________________________________________
Chapter 13: EVERYTHING
Pot-pot’s POV
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!” sigaw ni Jeng-jeng tapos tumakbo palabas. Hahabulin ko sana kaso alam kong may kailangan pa akong gawin.
*boooogsh*
Sinuntok ko si Eli. “Manyak ka!” sabi ko sabay sunod palabas kay Jeng-jeng.
Eli’s POV
“Pre, ayos ka lang ba?” Tanong sa akin ni Diego.
“Mukha bang ayos lang ako?” sagot ko sa kanya sabay turo sa pasa sa may bibig ko dahil sa suntok ni Patrick.
“Ikaw naman kasi pre e, bakit mo ba ginawa yun?” tanong naman ni Erwin.
“Nagselos ka noh?” sabat naman ni Neil.
“Ako? Magseselos? Tch. Asa naman.” Sagot ko.
“E bakit mo nga ginawa yun?” tanong naman ni Cassie.
“Hindi ko alam, hindi ko alam, naguguluhan ako…” seryoso kong sagot. Nakatingin lang sa akin ang barkada, yung tipong di mo alam kung galit o naaawa. Ewan. “Pasensya na ah, gusto ko muna mapag-isa..” pakiusap ko sa kanila.
“Sige pre, basta, kapag hindi ka na naguguluhan, humingi ka ng sorry sa dalawa.” Sabi sa akin ni Diego at tinapik ako sa balikat.
“Osige, salamat ha, at pasensya na ulit.” Sabi ko naman.
“Kay Ella at Patrick mo dapat sabihin yan, tara na guys.” Pasungit na sabi ni Julia. Pagkatapos nun, umalis na rin sila.
Lumipas na ata ang isang oras pero nandito pa rin ako, nakatulala, di ko alam kung bakit ko ginawa yun. Maya-maya, nagvibrate yung cellphone ko tapos tinignan ko kung sinong nagtext…
BINABASA MO ANG
Raindrops ♥ (KathNiel Fan Fiction)
Fanfiction"Love...even though it's such a simple emotion, why is it that just as you fall in love, things get difficult?"