"PROLOGUE"
Nandito kami sa probinsya upang dalawin ang aking lola dahil sa kalagayan nito.
Umalis na muna ako sa bahay ng lola ko dahil medyo nababagot na ako.
Pumunta ako sa may open field dito sa probinsya kasi masarap ang simoy ng hangin dito.
Habang naglalakad ako may narinig akong tinig ng isang batang babae hindi kalayoan sa akin.
Pumunta ako malapit sa may puno, ito lang ang nag-iisang puno sa open field.
Pagdating ko dun naabotan ko ang isang batang babae na natatakot dahil sa asong nasa harap niya.
"Tulong!", sigaw ng babae.
"Aww! Aww! Aww!", tahol ng aso.
"Bata wag kang tatakbo!", sabi ko sa kanya.
"Tulungan mo ko!", sigaw niya sa akin.
"Wag kang mag-alala, tutulungan kita!", sigaw ko pabalik sa kanya.
Naghanap ako ng pwedeng ibato sa aso at nakita ko ang isang bato, kinuha ko ang bato at binato ko sa aso.
Natamaan naman ang aso kaya tumakbo ito papalayo.
"Maraming salamat sa pagtulong sa akin bata.", sabi niya sa akin.
Wow! Ang ganda niya. Nakablue t-shirt siya at nakashort ng pula na hanggang tuhod.
"Walang anuman.", sabi ko sa kanya at lumapit ako.
Nang malapit na ako sa kanya ay hindi ko napansin na may bato pala kaya nadapa ako, at sumobsob ang mukha mo sa lupa.
Ang lampa ko talaga! Nakakahiya sa kanya, ako pa naman ang nagligtas sa kanya tapos madadapa lang ako at mapasubsob sa lupa dahil sa bato? Hahaha! nakakahiya talaga.
Lumapit siya akin na at tumingala ako, nakita ko ang mukha niya na nag-aalala.
Tinulungan niya akong tumayo at nang makatayo kami ay medyo nakalapit ang mukha namin kaya napatitig ako sa mukha niya.
Dug Dug Dug Dug
Bakita bumibilis ang tibok ng puso ko? May sakita ba ako? Sa pagkakaalam ko wala naman akong sakit sa puso. Hay! Ewan ko ba kung bakit naging ganito ang puso ko.
Ngayong medyo malapit ang mukha namin ay nakita ko ang kabuuan ng mukha niya.
Ang ganda ng mata niya, kulay brown na may pagkablack, ang kinis ng mukha niya, mahaba din ang pilik mata niya at matangos ang ilong, at medyo manipis ang kanyang kilay, at kulay yellow ang buhok niya na nakalugay ang ibabang bahagi at nakaponytail ang nasa itaas at ang kanyang tali sa buhok ay parang tenga ng koneho na nakapoint sa itaas na kulay pula.
Nang mapansin niya akong nakatitig sa mukha niya ay nagsalita siya.
"May dumi ba ako sa mukha?", tanong niya.
"W-wala n-naman.", nauutal kong sabi.
Napansin ko na medyo mahapdi at medyo basa ang noo ko, hinawakan ko ito at napa"aray" ako dahil sa sakit at tiningnan ko ang kamay ko, may dugo ito kaya ibig sabihin ay may sugat ako sa noo.
"May sugat ka! Halika gamutin natin yang sugat mo,parang malalim ang sugat mo eh.", sabi niya.
"Wag na, ako na lang ang gagamot, salamat pala sa pagtulong.", sabi ko.
"Ako dapat magpasalamat sayo eh kasi tinanggol mo ako sa aso.", sabi niya na may kasamang ngiti, napangiti na din ako.
Ang ganda niya lalo kapag nakangiti, sana palagi siyang nakangiti.
"May ibibigay pala ako sayo, pero mangako ka muna na aalagaan mo ang ibibigay ko sayo, at ipangako mo din na kapag nagkita tayo after 10 years ay magpapakasal tayo.", sabi niya sa akin.
Talaga? Magpapakasal kami pagkatapos ng sampung taon?
"Talaga?", masayang sabi ko sa kanya.
Excited talaga ako na magpakasal sa kanya, sa batang pa naming edad ay kasal na ang pinag-uusapan namin pero masaya talaga ako kapag siya ang napangasawa ko.
"Oo, ito oh, ibibigay ko sayo tung kwintas na 'to", nakangiti niyang sabi.
Ang ganda niya!
Binigay niya ang kwintas niya, ito ay bilog ang gitna na kulay dilaw na may susian sa gitna, ang gilid naman ay parang apoy na nakapoint sa baba na kulay gray naman.
"Ano naman 'to?", tanong ko sa kanya.
"Ito ang kwintas ko, sabi ng Mama ko, ibibigay ko daw ang kwintas na 'to sa taong pakakasalan ko habang buhay, tinatawag itong TRUE LOVE NECKLACE sabi ng Mama ko.", sabi niya sa akin.
True Love Necklace? Bakit tinatawag itong True Love Necklace?
"Bakit True Love Necklace?", tanong ko sa kanya.
"Ewan ko, si Mama kasi ng sabi eh, hindi ko na natanong kung bakit.", sabi niya.
"Kunin mo na, may susi yan, kapag nagkita tayo makalipas ang sampung taon ay ipapasok dyan ang susi at kapag bumukas ako na yun at magpapakasal na tayo.", dugtong niya.
Kinuha ko naman ito at inilagay sa leeg ko, medyo mabigat ang kwintas dahil sa pendant nito.
"Promise ha na kapag nagkita tayo makalipas ang sampung taon, magpapakasal tayo.", sabi niya.
"Oo naman.", nakangiti kong sabi sa kanya.
"Promise?", sabi niya sabay lahad ng hinliliit niya na parang nakikipagpinky promise, nakangiti siya ngayon.
"Promise.", sabi ko na nakangiti sabay lock ng hinliliit ko sa hinliliit niya.
"Ano pala pangalan mo?", tanong niya.
Hahaha! Hindi pala kami magkakilala tapos magpapakasal na agad kami? Hahaha! Nakakatawa talagang isipin.
"Ako si Ethan, ikaw?", tanong ko sa kanya.
"Ako nga pala si.........."
—————————
A/N: This story is inspired by Nisekoi... kaway kaway dyan mga OTAKU 👋👋👋..
HAHAHAHAHA
This my first story so hope you like it.
Ethan Necklace is on the side —>
Credits to the Author of Nisekoi (I don't know what his/her name)
Date Started: November 27, 2016
Date Published: December 17, 2016
Date Finished: July 1, 2017
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...