Chapter 20:
"Lance is a Girl?"Ethan's POV
Nang mahubad ko na ang pantalon ni Lance ay nagulat ako at napalayo.
Anong ibig sabihin nito?
Paano ba naman kasi nakita ko ang bra at panty niya, kulay pink pa ito, hindi ko alam sa sarili at bigla na lang dumugo ang ilong ko, nanose bleed ako, kainis!
Babae si Lance? Paano? Bakit panglalaki ang name niya? Tapos kung umasta siya parang lalaki, T-Boom ba siya? Hay ewan ko.
Nakahawak ako ngayon sa dumudugong ilong ko, Kainis, akala ko si Lucy lang ang makakagawa nito, may iba pa pala.
Bakit napunta sa usapan na ito si Ms Gorilla? Hay Nevermind.
Ibabalik ko na sana yung pantalon niya ng mapansin ko na parang nakakamalay na siya kaya lumayo ako, baka kasi patayin niya ako.
Naghintay lang ako na magising siya, baka patay na ako kapag ginising ko siya, pareho pa naman sila ni Lucy, pero malala si Lucy, hindi ko pa siya nakikita na humawak ng baril pero sure ako na kapag nakahawak siya nun, magtago ka na. Hahaha sadista talaga yung babaeng yun.
Makalipas ang ilang minuto ay nakita ko na nakakamalay na siya at dahan-dahan na umupo, umiwas ako ng tingin dahil sa kanyang sitwasyon, nakapanty lang tapos nakalong sleeve polo na nabakat ang pink din niyang bra dahil sa basa ito, buti na lang din mahaba ang long sleeve polo kaya natatakpan ang kanyang pang-iiba, umiwas din ako baka kasi makita niya ang pula kong mukha na may dumudugong ilong.
Nakita ko sa pheriperal view ko na nakaupo na siya at patingin-tingin sa paligid, nang mapadako ang tingin niya sa akin ay nakakunot ang noo niya.
"Bakit nakatagilid yang ulo mo Ethan?", tanong niya.
"Tingnan mo nga yang sarili mo.", sabi ko pero hindi pa rin tumitingin sa kanya at nakatagilid pa rin ang ulo ko.
Nakita ko na tumingin siya sa sarili niya at namula.
"Waah! Bakit ako nakahubad? Anong ginawa mo sa akin?", sigaw niya at umatras, medyo malayo na siya sa akin pero kita ko pa rin ang mapula niyang mukha.
"Diba nahulog tayo sa Second Floor?", tanong ko.
Nakita ko siya na parang nag-iisip tapos tumango, siguro inalala niya muna yung pangyayari.
"Nawalan ka nang malay matapos natin mahulog, iiwanan na sana kita dun.", dugtong ko at nakita ko siya na nakakunot ang noo.
"Pero dahil sa mabait ako ay dinala kita dito, alam ko na basa tayo kaya hinubad ko ang damit mo at pantalon mo para pahiramin kita ng damit, nang mababa ko na ang pantalon mo nagulat ako, nakita na naka—", hindi ko natuloy ang pagpapaliwanag ko nang sumigaw siya.
"Tama na! Oo naiintindihan ko na ang mga paliwanag mo.", sabi niya pero nakita ko na namula siya lalo.
Hindi na ako nagsalita pa kasi baka mapatay niya ako.
Makalipas ang ilang minuto ay may narinig kaming ingay sa labas.
"Baka nandito sila sa Boys Locker Room, tara!", rinig kong sigaw ng isang estudyante.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...