Chapter 9: Almost

5K 140 1
                                    

Chapter 9:
"Almost"

Ethan's POV

Nandito ako sa gate ngayon kasama sina Lucy, tapos na ang klase namin at pupunta kami ngayon sa bahay para maggroup study.

Kailangan talaga namin maggroup study para matulungan namin ang isa't isa.

Naghintay lang kami ng sasakyan nina Lucy kasi sabi niya sa kanya na lang kami sasabay.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang isang kotse, hindi pala kotse kundi limousine, ang yaman talaga nila Lucy.

"Woah! Ang ganda ah? Ang yaman niyo talaga Lucy.", manghang sabi ni Rafael.

Sina Lorriene ay natulala dahil sa sasakyan na gagamitin natin.

"Hali na kayo guys!", sigaw ni Rafael.

Aba! Para sa kanya yung sasakyan ah. Nauna pang pumasok kaysa sa amin, loko talaga.

Pumasok na kami sa sasakyan, nasa front seat ako at nasa likod naman sina Lucy, ewan ko kung bakit sa front seat ako umupo.

Tahimik lang kami sa byahe nang magsalita si Rafael.

"Ang tahimik! Manong pwede pakiopen ang radio.", sabi ni Rafael.

Sinunod naman ni manong ang sabi ni Rafael, binuksan niya ang radio sakto ay may kantang tumunog.

(Sad Song  by: Were the kings ft Elena Coats)

You and I
We're like fireworks
And Symphonies
Exploding in the sky

Napansin ko na naging tahimik ulit, siguro ay pinapakinggan na ngayon ni Rafael ang song, kami pala. Ang ganda kasi ng message nung song.

So stop time right here in the moonlight
Cause I don't ever wanna close my eyes.

Without you I feel broke like I'm half of a whole
Without you I've got no hand to hold
Without you I feel torn like a sail in a storm
Without you I'm just a SAD SONG
I'm just a SAD SONG.

Matapos ang chorus ay bigla na lang tumigil ang kotse at napagtanto ko na nasa bahay na kami, binuksan ko na ang pinto at lumabas, sumunod naman sila sa akin.

Pagkapasok namin ay binati kami ng mga tauhan namin, tumango ako bilang sagot, si Rafael naman namamangha dahil sa nakikita.

Kung makaasta siya ay parang hindi siya nakapunta sa amin dati.

"Grabe Ethan, wala paring pinagbago ang bahay niyo, may mga gamit parin kayong antique.", manghang sabi ni Ethan.

Hindi ko na lang siya pinansin at hinanap si Drew, nang makita ko siya nilapitan ko siya.

"May group study kami Drew, pakilinis naman ng kwarto ko.", sabi ko sa kanya nang makalapit ako sa kanya.

"Sige po Young Master, mahintay lang po kayo.", sabi ni Drew.

Tumango naman ako at umalis na siya, pumunta ako sa sala kung saan nandun sila nauupo.

"Teka nasan si Rafael?", tanong ko ng makalapit ako, hindi ko kasi siya makita.

"Sabi niya magc-cr daw siya.", sabi ni Lucy.

Tumango naman ako at umupo sa sofa, ganito ang sitting arrangement namin:

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon