Chapter 13: Thank You & Sorry

4.9K 108 1
                                    

Chapter 13:
"Thank You & Sorry."

Lucy's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw, napapikit-pikit pa ako habang bumabangon sa kama, humihikab pa ako habang kinukusot ang mata ko. Nang malinaw na sa akin ang paligid ay napagtanto ko na nasa kwarto ako, inalala ko ang nangyari kagabi at nalaman ko na niligtas ako ni Ethan sa gubat at bigla na lang ako hinimatay at hindi ko na maalala pa kung ano ang sumunod na nangyari.

Tumayo na ako sa kama at tumingin ulit sa paligid, wala sina Lorriene at Yuri, malamang nasa sala na yun o di kaya sa kusina, kumakain na. Kumuha na ako ng towel at pumunta sa banyo. Nang matapos ako sa pagligo ay lumabas na ako ng kwarto at nagbihis, nang makabihis ako ay lumabas na ako ng kwarto, paglabas ko ay nakita ko sina Yuri, Lorriene at Rafael na nanunuod ng tv, tiningnan ko ang kanilang pinanood at hindi ko alam kung ano yun dahil hindi ako pamilyar, isang cartoon na ang salita ay japanese at may limang karakter, isa dun ay pusa na kulay blue at nagsasalita, hindi ko na lang tinuloy ang panunuod ko dahil nagugutom na ako, at napansin siguro yun ni Lorriene kaya nagsalita siya.

"Nandyan na sa mesa yun pagkain Lucy at madami yan, si Ethan ay hindi pa lumalabas ng kwarto niya.", wika niya sa akin.

"Ah ganun ba, sige kakain muna ako.", wika ko at naglakad na papunta sa kusina.

Umupo na ako at kumuha ng plato tapos ay nagsandok na ako ng kanin pati ulam, mukhang masarap ang sinigang na niluto nila ah. Kumain na ako dahil nagugutom na talaga ako.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na si Ethan, nakasuot siya ng pula na polo t-shirt at itim na jeans na tinirnuhan ng kulay itim din na converse, napatingin si Ethan sa pinanuod nila Rafael.

"Fairy Tail yan diba? May bagong episode pala?", tanong niya.

Ano daw Fairy Tale? Diba pang babae yun? Mahilig sila sa ganun?

"Oo, ngayon lang siya pinalabas sa tv, sa manga comic ako nagbabasa pero hindi ko pa nabibili yung new chapter.", wika ni Rafael na may halong excitement.

Manga Comic, diba prutas yun, bakit nila pinag-uusapan ang prutas?

"Ako din, sa manga comic din ako nagbabasa, nagpabili na ako kay papa sa japan sa new chapter dahil nandun si Papa sa japan para sa isang business meeting.", wika ni Ethan na may halong excitement din.

Pati din itong si Ethan, ewan ko ba sa kanila, pinag-uusapan ang prutas, ang weird talaga ng magkaibigang ito.

"Kumain ka muna Ethan.", wika ni Lorriene kaya nabaling ang tingin ni Ethan sa kanya pati din ako.

Alam ko na may gusto si Lorriene kay Ethan dahil sa tingin niya dito, ganun din ako makatingin sa crush ko sa dati kong school kaya alam ko na may gusto si Lorriene kay Ethan. Si Ethan? Ewan ko, minsan hindi ko mabasa ang iniisip niya, hay ewan!

"Sige guys kakain muna ako.", wika ni Ethan at nagpaalam na sa kanila, ako naman ay tinuon ulit ang atensyon sa pagkain at kumain upang hindi mahalata na nakatingin ako sa kanila kanina.

"Oh Good Morning Lucy.", bati niya sa akin nang makaupo siya.

"M-morning.", bati ko pabalik.

Teka bakit ako nauutal? At bakit itong puso ko ay parang isang bomba na sasabog na?

"Okay ka na Lucy?", tanong ni Ethan.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon