Chapter 24:
"Birthday Party."Lucy' POV
"Ang ganda mo Princess Lucy.", sabi ng hairstylist namin.
"Thank you.", yun lang ang nasabi ko kasi ako sanay na ganito ang ayos ko kahit na madami na akong event na dinaluhan at kailangan ay nakaformal attire, hindi talaga ako sanay sa ganito pero ayaw kong masira ang party, pinaghirapan nila Papa to kaya go with the flow na lang ako.
Nandito ako ngayon sa kwarto at minimake-apan nila ako para sa party, 5:00 pm ako simulang ayusin at 7:00 pm party, nakasuot na ako ng damit, kulay dilaw ito na hanggang paa, may mga nakalagay na iba't ibang kulay ng diamond na maliliit sa harap at sa binti ay punit ito para lumabas yung legs ko, backless siya at off shoulder. Yung buhok ko ay nakabraid pababa, may inilagay din sila na clip na bulaklak sa buhok ko at bagay naman ito sa akin.
Ilang minuto din bago ako natapos na ayusan, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
This is your day Lucy, be happy, wag ka munang mag-isip ng kung ano, maging masaya ka sa kaarawan mo., sabi ko sa sarili ko.
Kinakabahan ako kahit na sanay ako sa ganito pero hindi ko talaga maiwasan na kabahan dahil lahat ng kaklase ko ay nandito, sila Ethan, Rafael, Lorriene at Yuri ay nandito din, lahat sila, kaya sobra akong kinakabahan.
Ilang minuto din ako nakatingin sa salamin nang may kumatok sa pinto at bumukas ito.
"Princess magsisimula na ang party.", sabi ng isa naming katulong.
"Sige.", sabi ko at yung hairstylist ay umalis na din.
Tumayo na ako at humarap sa human size mirror sa kwarto ko, huminga ako ng malalim.
Excited na ako!
Matapos kong pagmasdan ang sarili ko ng ilang minuto ay tumalikod na ako at lumabas ng kwarto.
Ang kwarto ko ay nasa taas at ang party na gaganapin ay sa grand hall ng bahay namin na nasa baba kaya sobra akong kinakabahan ngayon.
Nang medyo nakarating na ako sa hagdan ay nakita ko si Papa na nakatayo sa gilid ng hagdan, may tela na nakasabit sa hagdan upang hindi makita ang nasa itaas kung saan ang kwarto ko.
Nang makarating ako sa tabi ni Papa ay tumayo siya at lumapit sa akin.
"Ang ganda mo anak.", sabi ni Papa at humalik sa pisngi ko, humalik din ako pabalik.
"Thank You Pa.", ngiti kong sabi, medyo nabawasan ang kaba na nararamdaman ko ngayon dahil kay Papa.
"Tara na anak.", sabi ni Papa kaya kumapit na ako sa braso niya.
Ang swerte ko talaga sa Papa ko, simula nang mamatay si Mama ay naging busy si Papa pero nang nakita niya akong umiiyak ay naalala niya na may anak pala siya kaya simula nun ay ginugol na ni Papa ang lahat ng oras niya sa akin, siya ang tumayo kong Ama at Ina at napakaswerte ko dahil dun at sobra akong nagpapasalamat dahil siya ang naging Papa ko.
Lumakad na kami at hinintay ang emcee sa pag-announce sa amin.
"Ladies and Gentelman! Welcome to Lucy's 16th Birthday Party! I know that your excited to meet the celebrant and the long wait is Finally over, please give a round of applause to Mr. Alexander Scott and his daughter, our Birthday Girl! Lucy Scott!", pagkatapos nun ay bumukas ang kurtina at tumambad sa amin ang mga ngiti at mga palakpak ng mga bisita.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...