Chapter 25:
"Dance."Lucy's POV
Pumasok na kami sa loob ng bahay at naabotan namin na nagsasayaw na sila, masayang sayawan ang nagaganap nang pumasok kami.
"Can I have dance with you Daughter?", napatingin ako sa nagsalita, ganun din si Ethan.
Si Papa pala, nakalahad ang kamay niya. Kinuha ko ito.
"Oo naman pa, Ethan sasayaw muna kami ni Papa.", sabi ko sabay tingin kay Ethan.
"Sige Lucy, enjoy the dance.", pagkasabi ni Ethan nun ay umalis na kami ni Papa at pumunta sa gitna.
Nang makarating na kami sa gitna ay inilagay ko ang kaliwang kamay ko sa balikat ni Papa at inilagay naman ni Papa ang kanyang kaliwang kamay sa bewang ko, matapos nun ang nagsayaw na kami ni Papa ng Waltz.
"Masaya ako para sayo anak.", sabi ni Papa habang nagsasayaw kami.
"Ako din Pa, Salamat talaga sayo.", sabi ko at niyakap si Papa.
Ang swerte ko talaga.
Niyakap din ako ni Papa.
"Dalaga na talaga ang anak ko, I'm so proud of you my daughter.", sabi ni Papa at hinalikan ang ulo ko.
"I Love You Pa.", sabi ko at siniksik ang mukha ko sa katawan niya.
"I Love You too My Daughter.", sabi ni Papa at hinalikan ulit ako sa ulo.
Lalo kong siniksik ang sarili ko kay Papa, malapit na kasing tumulo ang mga luha ko.
Ganun lang ang posisyon namin ng ilang minuto, I feel safe in my Father's Arm, I really love my Father.
"Anak mukhang may gustong sumayaw sayo ah.", sabi ni Papa habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Sino naman Pa?", tanong ko.
"Si Ethan, kanina pa kasi siya nakatingin dito, alam mo anak, magmula nang pinagpanggap namin kayo, ay nagbago kana anak, palagi ka na lang nakangiti, tapos malalaman ko na may mga kaibigan ka na, malaki na talaga ang pinagbago mo anak.", mahabang sabi ni Papa.
Napangiti ako dahil dun, malaki na talaga ang pinagbago ko, nalaman ko yun nang mapansin ko na palagi na lang ako ngumingiti, noong nasa amerika pa kasi kami ay hindi ako palangiti, nakasimangot ako palagi tapos wala akong kaibigan at palagi na lang ako nagkukulong sa kwarto.
"O siya anak, ibigay muna kita kay Ethan, ingatan mo siya ha?", birong sabi ni Papa.
"Pa naman.", nasabi ko na lang.
Alam din pala ni Papa na sadista ako, na palagi akong may sinusuntok pero hindi na masyado ngayon.
Tinapos na namin ang pagsayaw at pumunta kami kung saan kami kanina, malapit sa pinto, nandun si Ethan at nakatayo tapos ay nakangiti.
Nang makalapit na kami kay Ethan ay nagsalita si Papa.
"Ethan isayaw mo na ang anak, ikaw na bahala sa kanya.", sabi ni Papa kay Ethan.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...