Chapter 22: Happy Birthday

3.7K 102 1
                                    

Chapter 22:
"Happy Birthday."

Lucy's POV

"Princess! Hintayin mo ko!", sigaw ni Lance.

Naglalakad kasi kami at papunta sa Canteen, bagal kasi niya kaya iniwan ko siya. Nauna na kasi sila Lorriene sa Canteen, may tinapos lang kasi ako kaya nahuli ako, pero nagpaiwan si Lance para daw may kasama ako, hindi na ako pumalag pa at ngayon ay tapos na ako ay umalis na kami sa room pero ang bagal niyang maglakad kaya naiwan siya.

Isang linggo na ang lumipas magmula nang magtransfer si Lance dito, isang linggo na din magmula nang mangyari ang kasunduan nina Lance at Ethan.

Magmula nun ay palagi na naming nakakasama si Lance sa lahat ng gawin namin, alam na din ng lahat na babae si Lance pero hindi pa rin nawawala ang mga tilian kapag nakita nila si Lance, nakasuot kasi pa rin siya nang panglalaking uniform.

Si Ethan ay palagi din namin nakakasama pero hindi kagaya ng dati na palagi kaming nagbabangayan, isang linggo na din kami na ganun mula nang yakapin niya ako sa likod, ewan ko pero kapag nagtagpo ang mga tingin namin ay umiiwas din kami kaagad, parang naiilang kami sa isa't isa, buti na lang hindi na nagtatanong pa sina Lorriene kung bakit kami ganito ni Ethan, sigurado din ako na nakita nila ang pagyakap ni Ethan sa akin pero hindi sila nagsasalita.

"Bilisan mo kasi!", sigaw ko pabalik sa kanya.

Nakarating na kami sa Canteen at napahawak siya sa pintuan nang canteen habang nakahawak ang isang kamay sa tuhod niya at hinahabol ang hininga niya, ganun ba ako kabilis maglakad para hingalin siya?

"Grabe ka Princess, ang bilis mong maglakad, napagod ako.", sabi niya sa gitna nang paghabol ng hininga niya.

"Bagal mo kasi, nagugutom na ako.", sabi ko sa kanya.

Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na siya nang maayos.

"Okay na Princess, pasok na tayo, nagugutom na din ako.", sabi niya sabay bukas nang pintuan ng canteen.

Pagpasok namin, bumungad sa amin ang tilian ng mga babae, well kasama ko kasi ang campus heartrob, hahahaha.

"Alam mo Princess gusto ko nang pasabogin itong school niyo para maging tahimik na, nakakairita na kasi.", sabi ni Lance habang naglalakad kami papuntang cashier para umorder.

"Hayaan mo na sila, mapapagod din yan.", sabi ko na may ngiti sa labi.

Grabe talaga tong si Lance, ang brutal mag-isip, pareho lang kami, hahaha!

Nang makarating kami sa cashier ay umorder na kami, buti na lang at walang pila sa Cashier.

"Princess hanapin mo muna sila Rafael, ako na magdadala ng inorder mo.", sabi niya sa akin.

"Sige Lance, hanapin ko na sila.", sabi ko at umalis na sa cashier at hinanap sa canteen sila Ethan.

Palinga-linga ako sa paligid, sa gilid, sa harap ng pintuan at malapit sa bintana, wala sila dun, tumingin ako sa medyo malayong pwesto sa cashier at nakita ko sila na nasa gitna, pang-animan yung upuan, seryoso silang nag-uusap, ewan ko kung ano ang pinag-uusapan nila.

"Nahanap mo na sila Princess?", nagulat ako nang magsalita si Lance sa likod ko.

"Ginulat mo naman ako Lance.", sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko, ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa gulat.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon