CHAPTER 3:
"MISSING NECKLACE"Nandito ako ngayon sa labas sa damuhang bahagi ng school, hinahanap ko kasi ang kwintas ko, nawala kasi.
Nawala siya dahil kay Gorilla Girl kasi diba kanina tumalon si Gorilla girl tapos natamaan ako kaya ayun nawala sa kamay ko ang kwintas ko kasi hinubad ko ito at nilalaro sa kamay ko.
Nagsimula na akong maghanap at kasama ko si Gorilla girl, siya kaya ang dahilan kung bakit nawala ang kwintas ko.
Noong una ay ayaw niya pero pumayag din kalaunan.
Alas tres na ng hapon at hindi pa rin namin nahahanap ang kwintas.
"Dalawang oras na tayo dito, hindi pa rin natin nahahanap ang kwintas mo, napapagod na ako.", reklamoniya.
"Pwede ka naman magpahinga kung pagod ka na.", sabi ko sa kanya.
"Bakit pa ba natin hinahanap ang kwintas mo, ganun na lang ba kaimportante yun sayo?", sabi niya at tumayo.
Tumayo na din ako at hinarap siya.
"Oo ganun kaimportante ang kwintas na yun sa akin at kailangan na natin yun mahanap kaagad.", sabi ko sa kanya.
"Bakit ba napakaimportante ng kwintas na yun sayo?", tanong niya sakin.
"Kasi bigay yun ng taong nakilala ko noong bata pa ako, sabi niya binigay daw niya ang kwintas na yun sa akin kasi niligtas ko siya at nagpromise siya na kapag lumaki na daw kami ay magpapakasal kami at yung kwintas ko ay may susian yun at may susi ang batang babae na kapag ipinasok niya sa susian ng kwintas ko ay magbubukas ito.", sabi ko kanya.
"Sa tingin mo natatandaan pa niya ang pangako niyo sa isat-isa? Matagal na yun, mga bata pa kayo nun, at sa tingin mo ba pinahahalgahan pa niya ang pangako niyo sa isat-isa? Kung oo, asan na siya ngayon? Bakit hindi ka niya hinahanap?", sabi niya sa akin.
Sino ba siya para sabihin sa akin yun? Wala siya karapatan kasi hindi niya ako kilala at hindi niya kilala yung batang babae kaya paano niya nasabi ang mga ito?
Ngayon lang kami nagkita,kung makapagsalita siya ay alam niya ang lahat sa akin.
"Wala kang karapatan na sabihin mo yun sa akin, Sino ka ba ha? Hindi mo ko kilala at hindi din kita kilala, Wala akong paki kung nakalimutan niya ang pangako namin sa isat-isa basta pinapahalagahan ko ang mga bagay na binigay ng mga taong importante sa akin, mabuti pa umalis ka na, hindi ko kailangan ng tulong mo.", sabi ko sa kanya.
Sa tingin ba niya ay paniniwalaan ko siya? Hindi niya ako kilala kaya wala siyang karapatan.
"Mabuti pa nga, nag-aaksaya lang ako ng oras dito.", sabi niya at lumakad na siya.
Pagkalakad niya ay bigla na lang umulan at naiwan ako na nakatayo dun.
Hindi ko siya paniniwalaan, sino ba siya para magsalita ng ganun? Hindi niya ako kilala.
Nanatili pa din akong nakatayo habang nasa ilalim ng ulan, bukas ko na lang hahanapin yun.
Umalis na ako sa school at umuwi na.
Nang makarating ako sa bahay ay sinalubong ako ni Drew.
"Young master bakit ngayon lang kayo umuwi? At basang basa po kayo", tanong niya sa akin.
"Wag kang mag-alala Drew, may hinahanap lang kasi ako tapos naabotan ako ng ulan kaya basa ako, papasok na muna ako sa kwarto para makabihis ako.", sabi ko sa kanya.
"Sige po Young Master.", sabi niya.
Umalis na ako at pumunta sa kwarto.
Inililapag ko muna ang bag ko at pumunta sa banyo upang magshower.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...