Chapter 10: School Camping

4.9K 104 0
                                    

Chapter 10:
"School Camping"

Lucy's POV

Dalawang araw na mula ng napagkasunduan namin na maggroup study, dalawang araw na mula ng pumunta kami sa bahay nila Ethan, dalawang araw mula ng makulong kami ni Ethan  ng kalahating oras sa stock room nila Ethan, dalawang araw na din mula ng malaman ni Ethan na takot ako sa dilim, dalawang araw na din mula ng mahulog ako sa hagdan, dalawang araw na din mula ng muntik na akong halikan ni Ethan at dalawang araw na din akong walang mukha na ihaharap sa kanila, dalawang araw na din akong umiiwas kay Ethan, ewan ko pero parang nahihiya ako sa kanya, ewan ko ba, kapag nakita ko siya ay bigla na lang tumitibok ng malakas ang puso, wala naman akong sakit pero kapag nakikita ko siya bigla na lang itong tumitibok ng malakas.

May gusto na kaya ako sa kanya? No! No! Hindi ako makakagusto sa Bean Sprout na yun.

Habang nag-iisip ako tungkol sa may gusto na ba ako kay Ethan na wala naman talaga ay biglang may nagsalita sa gilid ko, which means siya.

"Iniiwasan mo ba ako?", mahina niyang sabi sa akin, kasalukuyan kasi nagdidiscuss si Maam Martinez, Science teacher namin.

"Hindi noh! Bakit naman kita iiwasan?", mahina lang din ang boses ko.

"Alam mo na, yung nangyari sa atin sa bahay noong Saturday.", medyo nahihiya pa siya nung sabihin niya yun.

Sino ba ang hindi mahihiya sa ganun? At tsaka nakita pa kami nila Lorriene, kahiya talaga.

"Ano bang nangyari? May nangyari ba?", patay malisya kong tanong.

"H-hah? A-ah wala naman, hehehe", sabi ni sabay kamot sa batok niya.

Pagkatapos nun ay hindi na kami nag-usap pa at nakinig na lamang sa guro namin.

Nang matapos si Maam Martinez ay umalis na siya at kami naman ay lumabas na upang pumunta sa cafeteria kasi breaktime na.

Nagugutom kasi ako at nacracrave sa strawberry cake kaya una na akong lumabas ng room at nagtungo sa cafeteria, hindi ko na inantay sila Ethan.

Medyo naiilang pa rin ako dahil sa nangyari pero kailangan kong iwaksi yun sa isip ko kasi kahit na layuan ko siya ay magtatagpo pa rin kami kasi pinagkasundo na kami ng mga magulang namin pero as fake nga lang, hindi sa gusto ko na maging totoo kaya ako ganito, sadyang wala lang. Hay ewan!

Nang marating ko ang cafeteria ay nakita tingin sa akin halos lahat ng mga estudyante na nandun, ewan ko pero parang nahiya ako at yumuko.

Yung mga tingin nila sa akin na hindi ko alam ang ibig sabihin ay nagbibigay ilang sa akin.

Alam ko na nakatingin pa rin sila sa akin kahit na nasa counter na ako at nakatalikod sa kanila, umorder ako ng isang strawberry cake, hindi slice kundi whole, sabi ko naman kasi kanina na nacracrave ako sa strawberry cake umorder ako ng buo.

Nang makaalis na ako sa counter ay nakatingin pa rin sila sa akin hanggang sa umupo ako sa upuan na nakita ko na bakante ay nakatingin pa rin sila sa akin.

Biglang bumukas ang pinto at bumaling ang tingin ng mga estudyante kung sino man ang pumasok, nakayuko kasi ako kaya hindi ko nakikita kung sino man ang pumasok.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon