Chapter 4: Hindi Maaari!

8.6K 192 1
                                    

CHAPTER 4:
"HINDI MAAARI!"

"Nahanap mo na pala ang kwintas mo?", sabi ni Rafael.

Nandito kami sa classroom, at kami lang dalawa kasi nasa canteen lahat ng mga kaklase namin kasi breaktime na, hindi pa kami pumunta sa canteen kasi hindi pa kami nagugutom.

Hindi ko din nakausap si Gorilla Girl kasi absent daw siya at hindi namin alam kung bakit.

"Oo, si Lucy ang nakahanap, gusto ko sana magpasalamat sa kanya kaso hindi pala siya pumasok.", sabi ko sa kanya at ipinakita ko ang kwintas ko.

Nasa harap ko siya at nakapahalumbaba.

"Sa tingin mo, bakit hindi pumasok si Lucy?", tanong niya sa akin.

"Ewan ko, hindi ko alam, siguro may kinalaman ito sa pamilya niya.", sabi ko sa kanya.

"Siguro, tara na! Nagugutom na kasi ako.", sabi niya sa akin at tumayo na.

"Tara!", sabi ko sa kanya at lumakad na, sumunod naman siya sa akin.

***

Nandito ako ngayon sa room namin kasi tapos na ang break time namin.

Katabi ko si Lucy, buti naman at pumasok siya, gusto ko kasi siyang pasalamatan.

Nakinig lang ako sa guro namin, medyo alam ko na ang lesson niya kasi nag-aadvance read na ako sa lesson namin.

Nang natapos ang klase namin ay tumayo na ako upang lapitan si Lucy ngunit ay mabilis itong lumabas kaya sinundan ko na lang.

Nasa damuhang parti na kami ngayon ng school at medyo hinihingal ako kasi ang bilis niyang maglakad.

"Lucy sandali!", sigaw ko sa kanya.

Tumigil siya at nilingon ako.

"Bakit mo ba ako sinusundan ha?!", sigaw niya pabalik sa akin.

Lumapit ako sa kanya at pumunta sa harapan niya.

Kahit na napakasungit at sadista ang babaeng ito, maganda pa rin siya.

Teka! May gusto ba ako sa kanya? Hahaha! Hindi ako magkakagusto sa kanya, sadista kasi eh, porket sinabi ko na maganda siya, may gusto na kaagad ako sa kanya? Diba pwedeng nagandagan lang.

Hahahaha! Ang defensive ko naman.

"Magpapasalamat lang ako dahil sa paghanap mo sa kwintas ko.", mahinahong sabi ko sa kanya, baka kapag sinigawan ko siya, dudugo na namana ng ilong ko.

"Wag kang magpasalamat dahil ako naman ang may kasalan, sige na aalis na ako may pupuntahan pa kasi kami ng papa ko.", sabi niya.

"Sige! Mag-ingat kayo ng papa mo.", sabi ko sa kanya.

Naglakad na siya at dumaan sa side ko pero may naamoy ako sa kanya.

Hmm, familiar ang amoy na ito.
Saan ko nga ba naamoy 'to? Hindi ko matandaan.

Malayo na siya sa akin kaya naglakad na din ako papuntang gate at sumakay na ng kotse.

Ngayon ko lang sinabi na sumasakay ako ng kotse namin araw-araw kasi pagod akong magkwento.

Nang makarating ako sa bahay ay pumunta na ako sa kwarto ko.

Grabe, nakakapagod ang araw na ito, nagpalit na ako at humiga sa kama, kailangan kong magpahinga.

Pinikit ko na ang mata ko at nakatulog na ako.

***

Nandito ako ngayon sa classroom at nakikinig sa leksyon ni maam.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon