Chapter 29: Finale

4.6K 97 0
                                    

Chapter 29:
"Finale."

Lucy's POV

Isang ngiti ang nagbigay sa akin ng matinding takot, kaba, at pagkabahala.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, pinipilit ko pa rin hindi iniisip ang kanyang sinabi.

How come na magkakambal sila? Hindi namin alam, alam kaya ito ni Ethan?

Hindi pa rin matanggal-tanggal ang pagkagulat sa mukha ko. Nasa labas lang sila ng kulungan at nakamasid sa akin, matapos sa sabihin yun ni Raphael ay hindi na ako nakapagsalita, hindi na din siya nagsalita ulit bagkus ay nakatingin lang siya sa akin, ganun din ang kanyang kasama, siguro ito ang boss nila.

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya, magkamukhang-magmukha talaga sila at wala akong napansin na kakaiba sa kanila pwera sa ngiti niya na malademonyo hindi katulad ng mga tawa ni Rafael na parang wala ng bukas, possible kaya yun na may kakambal si Rafael? O kaya ay siya talaga ito at plano na nila ito dati pa? Madaming tanong sa isip ko pero hindi ko alam kung saan ako hahanap ng sagot na ito.

Napatigil ako sa pag-iisip ng biglang dumating ang isang tauhan nila, hingal na hingal ito at parang tumakbo siya.

"B-boss ma-may kalaban.", sabi niya habang hinahabol ng hininga niya.

"Shit! Paano nila natuntun itong headquarters?", mura at sabi ng Boss nila.

"Ihanda ang mga tauhan, sigurado ako na magiging madugo ang labanan na ito.", sabi ng Boss nila at tumango naman ang lalaki at mabilis na umalis sa kulungan.

"Ikaw na muna bahala sa kanya, kapag nag-ingay yan, patahimikin mo na.", sabi ng Boss nila sabay baling kay Raphael, tumango naman si Raphael.

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa narinig ko, kaya pinilit ko na alang wag mag-ingay, alam ko na sila Papa na yun, kaya nakaramdam din ako ng konting saya sa puso ko.

Nang makaalis na ang Boss nila ay lumapit sa akin si Raphael, medyo natakot ako kaya medyo lumayo ako at nahalata naman niya yun kaya ngumiti siya, hindi ngiting demonyo kundi ngiting tunay.

"Wag kang mag-alala Miss Lucy, paparating na sila upang iligtas ka.", sabi niya.

"Akala ko ba kalaban ka?", yan na lang yung natanong ko dahil na din sa baka patayin niya ako.

"Nagpanggap lang ako Miss Lucy, sinabi ko sa kakambal ko kung nasaan ka, kaya alam ko na ang Papa mo ang papunta na rito.", sabi niya at nagpakawala ng isang ngiti na abot hanggang tenga niya.

"Bakit mo to ginagawa? Baka mapahamak ka dahil sa akin?", tanong ko sa kanya, natatakot ako na baka patayin siya ng mga kasamaham niya dahil ng traydor siya sa kanila.

"Ginawa ko to para protektahan ang kapatid ko, ayoko siyang mapahamak, ginawa ko ang lahat para hindi siya masaktan pero nagkamali ako. Nung birthday mo ay pumunta ako, hindi ako nagpakita sa kapatid ko para hindi niya malaman na nandun ako para sa misyon ko, ayoko na nagagalit sa akin ang kapatid ko, tatlo na lang kami ngayon dahil sa pagkamatay ni Papa kaya sobra ko silang pinapahalagahan ni Mama.", kwento ni Raphael at medyo naluluha na siya.

"Ayoko sana sa una yung pinapagawa nila na misyon pero pinagbantaan nila ako na papatayin nila si Mama at si Rafael kung hindi ko susundin.", dugtong niya.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon