Chapter 6.1: Date (Part 2)

5.9K 152 9
                                    

3rd Person's POV

(N/P: Beautiful by BTS)

Aakmang susuntukin sana ni Lucy yung lalaking mukhang manyak nang bigla na lang may humarang sa kanya harapan at wala ng iba kundi si Ethan, nakangiti ito sa mga lalaki at hinawakan niya ang kamay ni Lucy, napatingin si Lucy sa kamay niya at binalik ang tingin kay Ethan.

"Mga pare pasensya na kayo ha? Hindi kasi nakakaintindi ng tagalog ang GIRLFRIEND ko, at pasensya na din kayo kasi hindi na siya pwedeng sumama sa inyo, kaya alis na kami.", sabi ni Ethan at biglang hinila ang kamay ni Lucy at tumakbo ng mabilis.

Habang tumatakbo sila ay napatingin ulit si Lucy sa kamay nila na magkahawak.

Dati kapag may magtangkang humawak sa kamay ni Lucy ay umuuwi itong pilay pero nang mahawakan ni Ethan ang kamay niya ay iba na ang kanyang narararamdaman.

Lucy's POV

Bakit ganun? Bakit nung mahawakan ni Bean Sprout yung kamay ko iba ang nararamdaman ko? May gusto na kaya ako sa kanya? No. No. No, erase erase erase, hindi ko siya gusto at hindi ko siya magugustuhan kahit kailan.

Nang dahil sa aking mga iniisip ay hindi ko namalayan na nasa isang park na kami at bigla akong napatingin sa kamay ko at hindi na pala makahawak ang kamay namin, nakaramdam tuloy ako ng pang— Never mind.

"Bakit dito mo ko dinala?", pagtataray ko.

"Malapit lang kasi ito at tsaka maganda ang mga tanawin dito.", sabi niya.

Ako ngayon ay nakatayo, hindi kasi ako umupo sa bench malapit sa amin kasi nakaupo dun si Ethan at hindi ako komportable sa ganun.

"Mag-ccr muna ako.", sabi ko.

"Sige, hihintayin na lang kita dito.", sabi niya at sinulyapan ako ng tingin, nakatalikod kasi siya sa akin.

Umalis na ako dun at pumunta sa pinakamalapit na public cr.

Nang makarating na ako sa cr ay pumunta na ako sa cubicle at umihi.

Nang matapos akong humihi ay lumabas na ako at pumunta sa sink upang maglinis ng kamay.

"Nanghihinala na si Boss sa mga kinikilos ng ating Prinsesa at sa anak ng yakuza, kasi hindi naman natin sila nakitaan ng kasweetan, palagi na lang sila nag-aaway", sabi ng isang lalaki na nasa likod ng cr.

"Oo nga eh.", sabi naman ng isang lalaki.

Kilala ko kung sino sila, sila ang mga tauhan namin.

So sinusundan pala nila kami? Sigurado din ako na sinusundan din kami ng mga tauhan ni Ethan.

Kailangan namin gumawa ng paraan para hindi kami mahalata ng mga tauhan namin.

Umalis na ako sa public cr at pumunta na sa lugar kung saan iniwan ko si Ethan, nang makalapit ako sa bench ay tinawag ko siya.

"Sorry Darling kung matagal ako sa—.", hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sa nakita ko.

"Kasama mo pala si Lucy?", tanong ng babaeng nasa harapan ni Ethan, walang iba kundi si LORRIENE, kaklase namin.

Ethan's POV

Nakaupo ako ngayon sa isang bench sa park, hinihintay ko kasi si Lucy kasi nagcr pa siya.

Habang naghihintay ako ay bigla na lang akong napatayo dahil sa aking nakita.

"Oh hi Ethan, ano ginagawa mo dito?", tanong sa akin ng babaeng gusto ko.

Oo tama kayo nandito si LORRIENE, at alam niyo ba kung ano suot niya?

Naka-white na sleeveless, na may design ng bulaklak sa gitna, tapos nakapalda na hanggang hita, sino ba ang hindi matutulala dahil sa itsura niya?
Ang ganda kasi niya.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon