Chapter 21: Someone's POV

3.6K 103 0
                                    

Chapter 21:
"Someone's POV."

Lucy's POV

Papunta na kami ni Lance sa clinic upang alamin ang kalagayan niya, hindi ko naman sinasadya na mapalakas ang suntok ko sa kanya, nagulat lang naman ako.

Nang makalabas kami ni Lance sa Girls Locker Room ay wala ng tao, kaya tumakbo na kami papunta sa clinic, medyo malayo ang clinic dito sa pool kaya nang makarating kami dun ay hingal na hingal kami, buti na lang ay gabi pa umuuwi ang nurse sa clinic.

Hinabol muna namin ang hininga namin bago ako kumatok.

"Pasok!", sigaw sa loob, hindi ko alam kung sino yun kasi medyo malabo ang tinig.

Pumasok na kami sa loob at tumanbad sa amin si Rafael, Yuri at Lorriene na nakaupo sa tabi ni Ethan na wala paring malay, medyo naguilt ako dahil dun.

"Kumusta si Ethan?", tanong ko kahit obvious naman na hindi okay si Ethan.

"Sabi ni Nurse Lyca ay okay na daw si Ethan, nawalan lang ng malay dahil sa suntok mo, lakas mo talaga Lucy.", sabi ni Rafael kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin.

Hindi ko gusto ang nangyari at ayaw ko naman na mawalan ng malay si Ethan dahil sa suntok ko, at baka si Rafael pa ang ikalawa na mawalan ng malay dahil sa sinabi niya.

Nang tapunan ko siya ng masamang tiningin ay napalunom siya at umiwas ng tingin.

Tiningnan ko ulit si Ethan, para lang siyang natutulog sa position niya, nakahiga lang siya na patihaya at nakapikit ang mata, ang gwapo niya lalo.

"Umm pwede niyo ba akong iwan?", tanong ko sa kanila.

"Sige.", sabi ni Rafael at nauna nang tumayo at lumabas ng clinic.

"Sige Lucy, Yuri sa labas muna tayo.", sabi naman ni Lorriene, tumango ako sa kanya.

Nang makalabas na sila ay napansin ko na nandito pa rin si Lance kaya tumingin ako sa kanya.

"Iwan mo muna kami.", sabi ko.

"Pero Princ-", hindi na niya natapos ang pagsalita niya dahil sumingit na ako.

"Please Lance, iwan mo muna kami.", pagmamakaawa ko sa kanya, ayaw ko kasi na may makarinig sa sasabihin ko kay Ethan.

"Sige Princess.", sabi niya at lumabas na ng clinic.

Nang makalabas na siya ay lumapit ako kay Ethan at umupo sa tabi niya, hinawakan ko ang kamay niya, ang lambot.

"Sorry Ethan. Hindi ko sinasadya na masuntok ka, nagulat lang kasi ako, sana mapatawad mo ako.", para akong baliw dito pero okay lang.

"Alam kong hindi mo ko naririnig kaya may aaminin ako sayo.", dugtong ko.

"Ethan may gusto na ako sayo, ay hindi, mahal na pala kita.", sabi ko, ewan ko pero akala ko talaga dati na gusto lang pero nang tumagal na ay alam ko na mahal ko na siya.

"Hindi ko alam kung bakit kita mahal Ethan, basta bigla ko na lang naramdaman na mahal kita.", dugtong ko.

Para akong tanga dito na inaamin ang nararamdaman sa isang taong tulog at walang malay. Pero masaya ako kasi kahit na hindi niya man narinig ang pag-aamin ko ay sa wakas nasabi ko na din.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon