Chapter 17: CPR

3.9K 94 3
                                    

Chapter 17:
"CPR."


Ethan's POV

Nabigla ako dahil sa sinabi ni Yuri. Ako ang magiging partner ni Lorriene? Ang swerte ko naman kasi makakasama ko siya, at sisiguraduhin ko na magiging magaling si Lorriene sa paglangoy niya dahil ako ang magtuturo sa kanya.

Kahit na nabigla ako sa sinabi ni Yuri ay lumapit na ako kay Lorriene na nasa gilid lang pool.

"Umm tara practice na tayo?", sabi ko at nabigla naman siya kaya napatingin siya sa akin.

"Ikaw ang magtuturo sa akin?", gulat niyang tanong, ang cute niyang tignan dahil sa bigla na lang lumaki ang mata niyang maliit at nakangangapa, kahit na gusto ko matawa ay pinigilan ko nalang dahil baka magalit siya.

"Oo kaya magsimula na tayo.", sabi ko at pumunta na sa pool.

"Sige.", sabi niya at lumusong na din sa pool, hanggang dibdib lang namin ang taas ng tubig sa pool.

"Magsimula muna tayo sa basic.", panimula ko.

"Una ay kailangan nakapwesto ang kamay mo sa unahan ng ulo mo, sunod ay dapat nakadapa ka sa tubig at kailangan na yung paa mo ay nakaangat, kapag nasa unahan ng ulo ko ang kamay mo ay kailangan mong igalaw ang paa mo, kagaya nito.", sabi ko at lumusong ako sa tubig at lumangoy palayo sa kanya at umahon na ako at napansin ko na malayo ako sa kanya at lagpas na sa akin ang lalim ng tubig.

Lumangoy ulit ako at pumunta sa kanya, nang umahon na ako ay nasa harapan ko na siya.

"Ano kaya mo ba?", tanong ko.

"Parang kaya pero alalayan mo muna ako.", napansin ko na namula siya.

Cute.

"Sige.", sabi ko at dumapa siya, hinawakan ko ang kamay niya, ang lambot talaga, at inilalayan ko siya sa paglangoy, paikot-ikot lang kami sa pwesto kasi hindi niya pa kaya ang lumangoy sa malayo.

Makalipas ang tatlong minuto ay umahon na siya, binitawan niya ang kamay ko ay inilamos niya ito sa mukha niya at kita ko ang basa niyang mukha at ilang buhok niya na nasa mukha niya.

Ewan ko sa sarili ko kasi bigla ko na lang hinawi ang buhok na nasa mukha ni Lorriene at inilagay sa tenga niya.

Nakita ko siyang namula kaya napangiti.

Ang lakas talag ng tama ko s babaeng to, kahit sa simpleng galaw lang niya ang parang titigil ang mundo, parang kayo lang dalawa sa mundo.

"Umm magpahinga muna tayo.", bigla niyang sabi kaya napaiwas ako sa kanya, hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya.

"Ahh sige.", sabi ko na lang at hinawakan ulit ang kamay niya at inalalayan ko siya sa paghaon namin.

Nang makahaon na kami ay sinabi ko sa kanya na kukuha lang ako ng tuwalya, pumayag naman siya kaya kumuha na ako ng tuwalya, pumunta ako sa mga gamit namin na nasa mga bench at kinuha ko ay bag ko, tiningnan ko ang bag ni Lorriene na katabi ng bag nina Yuri at Lucy.

Napansin ko na nakabukas ang bag niya at nasa labas na ang tuwalya niya kaya kinuha ko ang tuwaya niya, nang makuha ko na ay biglang may nahulog na susi, isang susi na kulay brown at parang antique siya nga susi, tapos yung dulo niya ay parang may krus na nakaukit, nacurios ako kasi parang familiar sa akin ang susi, sa hindi ko malamang dahilan ay bigla kong kinuha ang kwintas ko na binigay sa akin ng isang bata noong bata pa kami.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon