Chapter 6: Date (Part 1)

7.2K 159 3
                                    

CHAPTER 6:
"DATE (Part 1)"

"Tok! Tok! Tok!".

Napabangon ako bigla dahil may kumatok sa pintuan.

Sino naman kaya ang kumatok? Maaga pa kaya at inaantok pa ako.

Tumayo na ako at pinagbuksan ko kung sino man ang kumatok, pagbukas ko ay bumungad sa akin ang masayang ngiti ni Drew.

Bakit ang saya ni Drew ngayon? May nangyari ba na ikakasaya niya?

"Sorry sa pag-istorbo Young Master pero may bisita po kayo, nandun po siya sa labas.", sabi ni Drew na nakangiti.

Nakadrugs ba 'to? Kung makangiti wagas.

Kahit na yakuza kami ay hindi kami nagdrudrugs at hindi din kami pareho sa ibang gangster na pumapatay, sa pilipinas ay wala pa silang napapatay kasi wala namang yakuza dito pero sa japan ay marami na silang napatay na kalaban namin dahil sa japan ay may kakompetensya kaming mga yakuza.

Sino naman kaya ang bisita ko?

Hindi ko na tinanong si Drew kung sino kasi hindi ko alam kung sasagot pa siya sa akin kasi palagi na lang nakangiti, parang nakahithit ng katol.

Pumunta na ako sa labas kasi hindi pumasok ang bisita ko.

Dapat pinapasok nila kung sino man ang bisita ko hindi yung sa labas pa nila pinahihintay.

Nang makarating ako sa pinto ay bigla akong kinabahan, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

Hinawakan ko na ang door knob at lalo akong kinabahan.

Nang mabuksan ko na ang pinto ay nanlaki ang mata ko.

"G-good morning darling, tara date tayo!", sabi niya at ngumiti ng pilit, ako naman nanlaki parin ang mata.

Hindi ako makapaniwala na siya pa talaga ang nagyayang magdate, diba dapat yung lalaki ang magyaya na makipagdate? Pero bakit baliktad? Aish! Ewan ko ba.

"A-ah e-eh sige honey, magbibihis lang ako.", sabi ko sakanya at pumunta na sa kwarto ko upang makapaghanda.

Hay, hindi ko alam kung saan kami magdedate eh, wala pa kasi akong nakadate kaya hindi ko talaga alam.

Naligo na ako at nagbihis, suot lang ay simpleng red long sleeve at black na fited pants.

Lumabas na ako sa kwarto at pinuntahan na si Lucy, nang makarating ako ay niyaya ko na siya.

"Tara na?", sabi ko.

Tumango na lang siya bilang sagot.

Umalis na kami sa bahay at naglakad lang kami, hindi ko kasi alam kung saan kami pwedeng magdate.

"Saan tayo pupunta?", tanong niya.

"Ewan, wala kasi akong alam sa pagdedate.", sabi ko sa kanya.

"Ano?! Hindi mo alam? Para tayong tanga dito na naglalakad pero hindi alam kung saan pupunta.", sabi niya sa akin.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon