Chapter 16: Swimming Practice

4K 91 0
                                    

Chapter 16:
"Swimming Practice."

Ethan's POV

"Ethan pwede ba magpatulong?", tanong ni Yuri sa akin.

Nagulat nga ako kasi minsan lang din naman niya ako kinakausap pero hindi naman ako nakalaramdam ng awkward sa kanya.

"Ano yun Yuri?", tanong ko pabalik.

May dugong Japanese din si Yuri, pero hindi ko pa siya napapansin na nagsalita ng japanese, siguro mas gusto niya magtagalog, matagal na din sila dito nakatira sa pilipinas kaya magaling na siya magsalita ng tagalog.

"Gusto ko sanang magpatulong sa pagpractice ng Swimming, ako lang kasi mag-isa.", wika niya.

"Oo naman, walang problema sa akin yun.", ngiting kong sabi.

Masaya ako na tumulong pero mas masaya ako kasi kasali si Lorriene sa Swimming Practice kaya makikita ko siya, siguro magsiswim suit sila, siguro ang ganda ng katawan ni Lorriene. Napatigil ako sa pag-iisip ko. Ano ba tong naiisip ko, nagiging pervert na ako, hindi naman ako ganito. Hay ang lakas talaga ng impact sa akin ni Lorriene.

"Talaga Ethan? Maraming salamat!", sabi niya at ngumiti, ngumiti din ako pabalik.

"Mamayang hapon, alas 3 mag sisimula ang practice, sa swimming pool.", sabi niya sa akin.

"Okay."

"Ethan!"

Napalingon kami sa tumawag sa akin, nakita ko sa pinto si Rafael. Speaking of Rafael, alam ko na may gusto siya kay Yuri, sinabi niya sa akin, hindi nga ako makapiniwala eh, kasi playboy itong kaibigan ko pero hindi ko iniespect na magkakagusto siya kay, well maganda naman si Yuri at mabait din kaso poker face palagi ang mukha.

"Anong sadya mo Rafael.", tanong ni Yuri.

Napatingin si Raf kay Yuri ay umiwas ng tingin, napangiti naman lihim, in love na talaga ang bestfriend ko.

"Ano. Umm. Gusto ko lang kausapin si Ethan, pwede ba?", sabi niya pero hindi siya nakatingin kay Yuri, nasa side. Gusto ko matawa sa mukha ngayon ni Raf, sobrang pula, nahihiya siya kay Yuri, hahaha!

"Oo naman. Sige Ethan mauna na ako, mamaya 3:00 pm, sa pool na lang tayo magkita.", sabi niya at tsaka kinuha ang gamit niya tapos lumabas ng room, napatingin ako kay Raf na nakakunot ang noo, alam ko na amg iniisip nito.

"Gusto magpatulong ni Yuri sa Swimming Practice mamaya, kaya siya nandito.", wika ko, pinangunahan ko na siya, baka kasi ano pang isipin nito, iba kasi mag-isip tong mokong na to.

"Wala naman akong tinatanong ah.", depensa niya.

"Wala nga pero sa tingin mo pa lang ay may gusto kang malaman kaya pinangunahan na kita.", sabi ko at tsaka inobsob ang mukha sa mesa.

Medyo pagod pa ako kahit na dalawang araw na ang nakalipas matapos ang Camping namin, hindi ko na natanong sa faculty kung ano ang emergency ang sinasabi nila.

"Ano pala ang pag-uusapan natin?", tanong ko at tsaka tingnan siya.

Lumapit sa akin at umupo sa mesa.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon