Chapter 7:
"Couple"Nandito ako ngayon sa kwarto ko at handa na ako sa pagpasok.
Susunduin ko sana si Lucy kaso sabi niya ay wag na daw kaya hinayaan ko na lang siya, magkikita naman kami sa school mamaya eh.
Lumabas na ako sa kwarto ko at pumunta sa kusina, kailangan kong magluto para sa aming lahat.
Nang makarating na ako sa kusina ay inumpisahan ko na ang pagluluto, ang lulutuin ko ngayon ay scramble egg, sunny side up, at pasta.
Nang matapos na ako sa pagluto ay inihanda ko na ang mga pagkain.
Nang mahanda ma ay tinawag ko na sila.
"Drew hali na kayo sa kusina at kakain na!", sigaw ko.
Alam niyo ba kung bakit palagi ko silang pinagluluto kahit na may tagaluto naman kami? Dahil ito lang paraan ko upang masuklian ang pagiging tapat nila sa amin.
"Grabe Young Master ang sarap mo talagang magluto kahit na simpleng putahi ay pinapasarap mo.", bola ni Drew sa akin.
Tumango na lang ako bilang tugon at kumain na din.
*XAVIER HIGH*
Nandito ako sa harap ng gate ng Xavier dahil hinihintay ko si Lucy.
Umalis na din ang mga tauhan namin pero alam ko na nasa paligid lang sila at nagmamatyag.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din si Lucy sakay sa kotse nila, bakit alam ko ang kotse nila? Diba pumunta sila sa bahay? Yung kotseng gamit nila ay gamit nila araw-araw sa paghatid kay Lucy kaya alam ko.
Bumaba na si Lucy at sinirado ang pinto.
"Sabay na tayo.", sabi ko sa kanya.
"Edi sumabay ka.", pamimilosopo niya.
Grabe talaga itong babaeng to, kung di sadista, pilosopa.
Hindi ko na lang pinansin ang pamimilosopa niya baka kasi dumugo na naman ang ilong ko.
Nandito kami ngayon sa hallway ng school at medyo konti na lang ang mga estudyante na nasa hallway kasi malapit na magsimula ang klase.
Tahimik lang kami na naglalakad sa hallway, nang makarating kami sa classroom ay nagulat kami sa bumungad sa amin.
"CONGRATULATION! ETHAN AND LUCY!", yan ang bumungad na bati ng mga kaklase namin.
Paano nila nalaman? Sinabi kaya ni Lorriene? pero imposible naman yun, hindi magagawa ni Lorriene yun, may tiwala ako sa kanya.
"Ethan tol, nakakatampo ka. Bakit hindi mo sinabi na kayo na pala ni Miss Lucy? Nakakainis ka pero Congrats!", sabi ni Rafael habang nakaakbay sa akin, tinanggal ko naman ang kamay niya na nakaakbay sa akin at pumunta sa harapan.
Hinanap ng mata ko si Lorriene, at nang makita ko siya ay binigyan ko siya ng "sinabi mo?" Look, umiling naman siya, so hindi niya sinabi.
"Bakit alam niyo?", tanong ni Lucy.
Inakbayan ulit ako ni Rafael at nagsalita.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...