Chapter 11: Missing

4.9K 115 1
                                    

Chapter 11:
"Missing"

Lucy's POV

Kasalukuyan akong naghahanda para sa out of town school camping namin nang biglang may kumatok sa pinto.

"Tok! Tok! Tok!".

"Pasok!", sabi ko at bumukas naman ang pinto at inuluwa dun si Yaya Mila.

"Princess pinasasabi po ng papa niyo na pumunta daw kayo sa office niya kapag tapos na kayo sa paghahanda.", sabi ni Yaya Mila at yumuko.

"Sige po yaya, tataposin ko muna ang ito.", sabi ko at umalis na siya Yaya Mila.

Ako naman ay pinagpatuloy ang paghahanda, bukas pa kasi ng alas otso ng umaga ang byahe namin.

Pagkatapos kong maghanda ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba, nasa baba kasi ang office ni Papa.

Pagdating ko sa office niya ay kumatok ako.

"Pasok!", sigaw niya kaya binuksan ko na ang pinto.

Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang napakalawak na office ni Papa na pinalilibotan ng mga bookshelves. Madami kasing mga libro ang office ni Papa.

"Pinatatawag niyo po daw ako.", magalang kong sabi kay Papa, kahit naman sadista ako ay marunong naman akong gumalang. Inangat ni Papa ang tingin niya sa akin, nakatingin kasi ito sa mga papel na nasa mesa niya.

"Umupo ka anak.", sabi niya kaya umupo naman ako.

"Pinatawag kita dito kasi malapit na ang birthday at gusto ko malaman mo na may gagawin kaming party kung okay lang sayo.", sabi ni Papa.

Malapit na pala ang birthday ko? Nakalimutan ko kasi madami akomg pinagkakaabalahan nitong makalipas na araw.

"Ok lang sa akin pa, alam ko naman na para sa akin yung party na yun.", sabi ko sa kanya.

Gusto ko din na magkaroon ng party kasi 16 na din ako at alam ko na magiging masaya ang party na ito.

"Ganun ba anak? Sige kami na bahala sa lahat, magpahinga ka muna anak, may school camping pa naman kayo bukas.", sabi ni papa kaya nagpaalam na ako at umalis na.

Ok lang sa akin na sila Papa na ang bahala sa lahat, alam ko naman na engrande yun, hindi kasi gusto ni Papa na hindi engrande lalo na at ako lang nag-iisang anak.

Nang makalabas ako ay pumunta ulit ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko.

Napabalikwas ako ng maalala na may kulang pala sa gamit ko na hinanda ko kaya binuksan ko ang cabinet ko at naghalughog.

"Click!", napatingin ako sa bagay na nahulog sa mga gamit ko at nakita ko ang isang susi na ang dulo ay may shape na cresent moon.

Kanino 'to galing? Wala naman akong maalalang may ganito ako.

Nagkibit-balikat na lang ako at ipinatong yun sa study table ko.

Matapos mahanap ang kulang ay inilagay ko na yun sa bag ko at humiga ulit sa kama.

Mahaba-habang byahe ang magaganap bukas kaya kailangan kong magpahinga.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon