Chapter 28:
"Revelation."Ethan's POV
Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan kahit na alam ko kung bakit pumunta si Lolo dito sa Pilipinas.
Sigurado ako na kaya siya pumunta dito ay para taposin na ang gulong 'to at para na rin siguro mawala ang mga kalaban namin.
Nabanggit kasi ni Lolo nung nagkausap kami kanina na matagal na niyang gusto maging kaibigan ang Black Phanter Gang, sa panahon pa ng Lolo ni Lucy pero dahil na rin sa gulo noon sa Japan ay hindi na natuloy ang balak ni Lolo na makipagkaibigan sa mga Black Phanter Gang, kaya ngayon ay naging kaibigan na namin ang Black Phanter Gang ay sigurado na kokonti ang magiging kalaban namin.
Nandito ako ngayon sa kwarto, nakahiga at nag-iisip, Ano na kayang nangyari kay Lucy? Okay lang kaya siya?
Gusto ko na mahanap si Lucy pero hindi ko alam kung paano, patuloy lang ako umaasa sa mga kasamahan namin na mahahanap nila si Lucy.
Dahil sa kakaisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
Panibagong araw na naman, ano na kaya ang kalagayan ni Lucy ngayon? Kumakain ba siya ng maayos?
Agad na pumasok yun sa isip ko pagkabangon ko, nag-inat muna ako at tumingin sa wall clock ko.
8:00 na pala, kailangan ko nang mag-almusal, lumabas na ako ng kwarto na medyo nakapikit pa ang isang mata at nang makarating na ako sa sala ay biglang bumakas ang dalawang mata ko dahil sa gulat.
Nandito silang lahat, si Papa, si Tito Alex, mga tauhan namin at kay Tito Alex, si Micheal, si Drew at tsaka si Lance pero may isang tao na hindi ko akalain na makikita ko.
"Rafael?", gulat kong tanong.
"Hi Ethan!", masayang bati niya sa akin.
Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito?
Alam nila na anak kami ng Yakuza at Gangster pero hindi ko alam kung bakit naenvovle dito si Rafael, bakit kaya? Matanong nga.
"Anong ginagawa mo dito Raf?", tanong ko.
"Bawal ba bisitahin ang aking kaibigan?", tanong niya pabalik na may kasamang ngiti na abot hanggang tenga.
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya kaya nagtawanan sila, lahat sila, pati si Papa, Tito Alex, Micheal at Drew na first time kong makita.
"Hahaha! Joke lang Eth, pinapawala ko lang ang kaba sa dibdib ko.", sabi niya na may ngiti pa rin.
"Bakit ka ba kasi nandito?", tanong ko ulit pero may kasama nang pagbabanta.
Kung magjojoke ulit itong si Raf, baka ano pa ang magawa ko sa kanya.
Biglang nawala ang ngiti niya sa tanong ko at yumuko, bakit ganito ang kilos ngayon ni Rafael, may problema ba siya?
Tatanongin ko sana siya kung may problema siya pero naunahan niya akong magsalita na nagpatigil sa akin at iniisip na joke.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...