Chapter 19: Ethan vs Lance.

3.9K 84 1
                                    

Chapter 19:
"Ethan vs Lance."

Lucy's POV

"Ikaw pala ang boyfriend ni Princess.", napatingin kaming dalawa ni Ethan sa nagsalita.

Nakita namin si Lance na nakatayo sa pinto dito sa rooftop.

Kanina pa ba siya dyan?

"Kanina ka pa dyan?", tanong ko sa kanya, baka kasi narinig niya yung sinabi ko kay Ethan na kailangan naming maghanda sa ano mang plano ni Micheal.

"Kakarating ko lang Princess.", galang niyang sabi, tumingin naman siya kay Ethan,"So ikaw pala?", tiningnan niya ng maiigi si Ethan.

Napatingin ako kay Ethan ng magsalita siya, "Ako nga. May problema ka ba dun?", tanong niya.

Ngumiti ng matamis si Lance, mukhang may mangyayaring hindi maganda.

"Meron, kaya nga ako nandito upang kunin si Princess.", sabi niya kaya nabigla ako.

Kukunin niya ako? Nababaliw na ba siya? Hindi kaya kami talo.

"Kukunin mo siya? Dumaan ka muna sa akin bago mo makuha siya.", pagkasabi ni Ethan nun ang namula ang mukha ko.

Hindi ko alam kung totoo ba yun o pagpapanggap, pero kahit na ganun ay kinilig pa rin ako.

"Pwes kukunin ko siya kahit humarang ka pa, mamayang hapon, sa harap ng school, dun natin ipakita kung sino ang nararapat para sa kanya, ano Deal?", tanong niya.

"Deal.", walang pag-alinlangan na sagot ni Ethan.

Nababaliw na ba siya? Pero at the same time ay kinilig din ako, hahaha!

Hindi na nagsalita si Lance bagkus ay umalis na siya sa rooftop, binalik naman ni Ethan ang tingin niya sa baba.

"Nababaliw ka na ba Ethan? Bakit ka pumayag?", gulat kong tanong sa kanya.

"Pumayag ako upang wala nang maghinala sa atin, para kapag natapos na ang gulo ay wala nang iba pang problema.", sabi niya pero hindi niya inalis ang tingin sa baba.

"At sa tingin mo ganun na lang yun? Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin ni Lance.", sabi ko at umalis na sa tabi niya.

Bumaba na ako ng rooftop at pumunta na ng classroom, pagdating ko dun ay wala pa ang guro namin kaya pumasok na ako at pumunta sa upuan ko.

Nakita ko si Lance na nakaupo na sa upuan niya at kinausap sina Lorriene. Sa mukha niya ay parang walang mangyayaring hindi maganda mamaya, umupo na ako sa upuan ko at inihiga ko ang ulo ko.

Kahit na hindi pa tapos ang araw ang parang ubos na ang enerhiya ko, dumagda pa yung mangyayari mamaya, Hay! Kaloka!

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na din si Ethan pero hindi pa rin ako umupo ng maayos, napatingin siya sa gawi ko at naglakad papunta sa upuan niya, hindi ko nalang siya pinansin.

Ilang minuto din ang lumipas nang dumating ang guro namin at nagsimula na klase niya.

Pinilit ko nalang na makinig sa disccusion ni Maan kahit na marami akong iniisip.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon