Chapter 2: Gorilla Girl

10.2K 230 2
                                    

CHAPTER 2:
"GORILLA GIRL"

Ethan's POV

"IKAW??!!", sabay naming sigaw.

Ang babaeng nasa harap ko ngayon ay ang babaeng dahilan kung bakit dumugo ang ilong ko.

"So Mr. Mashima kilala mo si Ms. Scott?", tanong ni maam sa akin.

"Maam hindi ko kilala ang babaeng 'to, ngayon ko lang siya nakita.", sabi ko kay maam.

"Ikaw Ms. Scott kilala mo ba si Mr. Mashima?", tanong ni maam sa babaeng kaharap ko.

Lumingon siya kay maam, "Maam hindi ko kilala ang lalaking 'to, ngayon ko lang din siya nakita!", sabi niya kay maam.

"Well mukhang hindi naman talaga, so Mr. Ethan Mashima ikaw ang magiging tour guide at partner ni Ms. Lucy Scott sa lahat ng activity.", sabi ni maam.

"Maam bakit ako pa? Mukhang hindi naman kami magkakasundo.", sabi ko.

"Oo nga maam, ayaw ko nga maging partner ang isang katulad niya.", segunda niya.

"Wala na kayong magagawa, sa ayaw at sa gusto niyo, magiging partner kayo.", sabi ni maam.

Ugh! Bakit sa lahat ng pwedeng ipartner sa akin siya pa, kung si Lorriene lang sana ang naging partner ko, magiging masaya ako, kaso hindi eh, itong babaeng kumilos na parang gorilla ang magiging partner ko.

Hindi na lang kami nakipagtalo kay maam kasi wala naman kaming magawa.

"Ms. Scott umupo kasi sa tabi ni Mr. Mashima, tutal vacant naman dun kaya dun ka umupo.", sabi ni maam kay GORILLA GIRL.

Hahaha! Gorilla girl siya kasi kung kumilos ay parang isang gorilla,wag kayong maingay baka pagnalaman niya na tinatawag ko siya ganun, baka hindi lang dugo ng ilong ang matatamo ko.

Umupo na si Gorilla girl sa tabi ko at tumahimik.

Nagsimula na din si maam sa pagdiscuss ng mga lesson niya, ako naman ay nakikinig lang kay maam.

Nang matapos ang klase namin ay hindi muna ako umalis pati na din si Gorilla girl, ewan ko ba kung bakit hindi pa siya umaalis halos lahat ng mga kaklase ko ay umalis na pati na din si Lorriene at Rafael, sabi ko kasi sa kanila na mauna na sila at susunod lang ako.

"Bakit hindi ka pa pumunta sa canteen?", tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung nasan ang canteen, di ba sabi ni maam ikaw tour guide ko? Dapat ituro mo sa akin ang canteen, kanina pa ako nagugutom.", sabi niya sa akin.

Oo nga pala, ang tanga ko talaga.

Tumayo na ako at tumayo na din siya, kahit na gorilla girl siya ay nagugutom pa rin siya, at ako din nagugutom na din ako.

Nang makarating kami sa canteen ay pumunta kami sa counter upang umorder.

Umorder ako ng 2 slice of sandwhich at isang nestea, ang order naman niya dalawang mini oreo at isang nestea din.

Pagkatapos ay hinanap ko si Rafael, nang makita ko siya ay pumunta na ako dun.

Nang makarating ako sa inuupuan niya ay inilapag ko ang mga pagkaing binili ko at umupo na.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon