"Christmas Eve."
PART 2.Lucy's POV.
"Joy to the world, the lord is come.
Let earth recieve her king.
With every heart, prepare him room.
And heaven a nature sing.
And heaven a nature sing.
And heaven and heaven a nature sing."Naalimpungatan ako dahil sa ingay na sala. Dahan- dahan kong binuksan ang mata ko at tumanbad sa akin ang kulay asul na kisame. Nasa kwarto ako at rinig na rinig ko dito ang katang pasko sa sala, may kalakasan kasi ito.
Dahan- dahan naman akong umupo sa kama ko at inunat ang katawan ko. Matapos kong makapagstretching ay tumayo na ako at pumunta sa banyo para magtoothbrush. Pagkapasok sa banyo ay tiningnan ko muna ang itsura ko.
Magulo ang buhok, papikit pikit pa ang kaliwang mata ko, may natuyong laway pa sa mukha ko, may muta din ako. Hahaha kaya dali dali akong nahilamos dahil sa mukha kong parang mangkukulam, pagkatapos kong maghilamos ay inayos ko ang buhok at pagkatapos ay nagtootbrush na.
Matapos kong magtootbrush ay lumabas na ako sa banyo at nagtungo sa kabinet upang kumuha na towel para pang punas sa mukha ko.
Habang nagpupunas ano sa mukha ko ay humarap ako sa salamin. Nakapantulog lang ako na kulay pink na may design na Doreamon, mahilig din kasi ako sa Doreamon.
Nang matapos ako sa pagpunas ng mukha ko ay tinali ko ang buhok ko pataas at lumabas na ng kwarto.
"Whenever I see girls and boys selling lantern on the street.
I remember the child and the minger as they sleep.", bumungad sa akin sa labas ng kwarto ang malakas na tunog ng kanta.Feel na feel talaga ang pasko dito sa bahay, may malaking christmas tree sa sala na kita dito sa taas, napapalibotan ito ng mga makukulay na christmas lights, mag christmas balls din na iba iba ang kulay, may mga nakasabit din sa hagdan na mga christmas lights at balls na nakapalibot.
December 24, 2016.
Desperas na pala mg pasko ngayon kaya ang ingay ng bahay, hindi kasi ganito kaingay nitong mga nakaraang araw.
Bumaba na ako sa hagdan at pagkarating ko sa baba ay nakita ko na sobrang busy ng lahat ng tao sa bahay.
"Good Morning Princess Lucy, Merry Christmas.", bati sa akin ni Carmen na isa sa mga kasambahay namin, matagal ng nagtratrabaho si Ate Carmen sa amin mula pa nung nandun kami sa amerika, sinama namin dito sa pilipinas si Ate Carmen kasi pinay din siya at tsaka magpagkakatiwalaan din namin siya.
"Good Morning and Merry Christmas din Ate Carmen.", nakangiting bati ko sa kanya.
"Gusto niyo po bang kumain ng almusal Princess Lucy?", nakangiting tanong niya.
"Opo, nagugutom ako, ano po bang ulam?", sabi ko habang himas himas ang tiyan ko.
Natawa naman si Ate Carmen. "Marami po Princess Lucy, tara na po sa kusina.", nakangiti niyang sabi at tsaka naglakad papunt sa kusina.
Sumunod naman ako kay Ate Carmen papuntang kusina.
Nagsimulang magtrabaho si Ate Carmen mula nang ipinanganak ako, so bale 2000 siya nagsimulang magtrabaho sa amin at makalipas ang labing anim na taon ay saamin pa din siya nagtratrabaho, nagsimula siya sa edad na 30, ngayon ay 46 na siya.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Fiksi RemajaHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...