Chapter 18: Transfere

4K 104 0
                                    

Chapter 18:
"Transfere."

Lucy's POV

"Guys may bago daw tayong kaklase.", rinig kong sabi ng isa naming kaklase.

Transfere? Sino naman kaya tung bago na to?

"Oo nga, sabi nila Lalaki daw. Sana gwapo!", rinig kong sabi ng kaklase naming babae.

Grabe talaga tung mga kaklase kong babae, kapag gwapo pinagkakaguluhan, bakit di na lang si Ethan— teka, wag si Ethan, baka mapatay ko pa sila, si Rafael na lang kaya? Di pwede din, patay din sila ni Yuri, hahaha.

Hindi ko na lang pinansin ang mga kaklase ko, nagpatuloy lang ako sa pagsulat ng mga notes na hindi ko nasulat, kay Ethan pala itong notebook na hiniram ko, siya lang kasi ang katabi ko at gusto ko din makita ang hand writing niya.

Ang ganda ng hand writing niya, nahiya nga ako sa akin eh, ang linis nung kanya, parang babae ang sumulat.

Tumingin muna ako sa side ko kung saan nakaupo si Ethan, nakita ko siya na nakadapa sa mesa niya at nakatingin sa gawi ko, nakapikit siya kaya tumigil na muna ako sa pagsulat at tumitig sa kanya, bigla na lang nagflash sa utak ko ang una naming pagkikita.

Nung nagmamadali ako kasi late na ako, nang tumalon ako sa pader habang may kagat na sandwich sa bibig, nang matamaan ko ang mukha ni Ethan, nang magkita ulit kami bilang isang magkaklase.

Hindi ko alam kung bakit nahulog ako sa kanya, siguro sa pagiging mabait niya kahit na anak siya ng isang Yakuza, nung una ay dinediny ko pa ito pero habang tumatagal na magkasama kami ay dun ko nalaman na may gusto na ako sa kanya, pero ang masakit ay hindi niya ako gusto, iba ang gusto niya, at alam ko kung sino yun, ang masaklap pa ay may gusto din sa kanya ang taong gusto niya pero nahihiya lang umamin.

Kung hindi kaya ako dumating sa buhay nila, sila kaya ang magkakatuluyan? Kung hindi kami pinagpapanggap ng mga Papa namin magiging magkaibigan kaya kami?, sabi ko sa sarili ko.

Dapat ay itigil ko na ang pagkagusto sa kanya pero anong magagawa ko? Palagi kaming magkasama at kapag nasa panganib ako siya ang nagliligtas sa akin, kaya ang hirap na itigil tung nararamdaman ko, anong gagawin ko?

Napatigil ako sa pag-iisip nang mapansin ko na parang tahimik ang buong room, kaya tumingin ako sa palagid at talagang namula ako.

Paano kasi lahat sila nakatingin sa akin, samin ni Ethan. Yung iba ay pangiti-ngiti pa, kasama na dun si Rafael, tsk.

Yung iba naman ay nakatingin lang sa amin at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nila.

Yumuko na lang ako dahil sa hiya, sigurado ako na nakita nila ang pagtitig ko kay Ethan, nako naman!

"Good Morning Class!", hay save by the teacher, buti na lang.

"Good Morning Maam!", bati namin pabalik at napansin ko na nagising si Ethan kaya napangiti ako.

Ang cute niyang tingnan, pikit-pikit pa siya at kinamot ang mata tapos ay umupo siya ng maayos ng maayos, cute talaga.

"Class may bagong kayong kaklase, pasok ka.", sabi ni Maam at tumingin sa labas.

Pumasok ang isang lalaking kulay blue ang buhok, medyo mahaba ang buhok niya pero bumagay sa kanya, kulay brown na mata at nakadamit ng uniform ng school na panglalaki, pinagmasdan ko siya nang maigi

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon