Chapter 15: Panaginip

3.9K 87 12
                                    

Chapter 15:
"Panaginip."

Nakasakay kami ngayon ni Mama sa kotse namin, ihahatid kasi ako ni Mama sa school, siya ang nagdradrive ngayon dahil sa gusto niya daw na ihatid ako, kahit na delikado ay pumayag na lang si Papa. Sabi ni Papa ay delikado daw ang buhay namin dahil pinaghahanap kami ng kalaban ni Papa na mga Gangster, hindi ako takot sa Gangster kasi trenain kaming mga nasa 8 taong gulang sa pakikipaglaban, kailangan kasi namin maging bihasa sa pakikipaglaban kahit na mga bata pa kami.

Tahimik lang kami nagbyabyahe at naalala ko ang nangyari sa probinsiya.

Yung nasa probinsiya ako upang dalawin ang Lola ko na namatay ay nalungkot ako kaya umalis ako sa bahay ng Lola ko, napadpad ako sa isang open field. Sariwa ang hangin dun kaya narelax ako, may nakita akong puno dun kaya pumunta ako dun sa puno, akala ko talaga marerelax na ako ng tuluyan pero hindi kasi pagkarating ko dun ay may aso pala, akala ko mabait yung aso kaya lumapit ako pero hindi ko natuloy ang paglapit ko kasi bigla itong tumahol, ewan ko pero nakaramdam ako ng takot nun, kahit na hindi ko gusto umiyak ay hindi ko napigilan ang luha ko nun, umiyak ako, akala ko wala na akong pag-asang makatakas buti na lang ay may tumulong sa akin, isang batang lalaki, hindi ko na siya masyado mamukhaan kasi mahina ako sa pagfamiliar ng mukha.

Natigil ang pag-alaala ko sa nangyari sa probinsiya nang mapansin ko na bumibilis ang takbo ng kotse kaya tumingin ako kay Mama, nakita ko ang seryosong mukha ni Mama, minsan ko lang makita ang seryosong mukha ni Mama kaya kinabahan ako.

"Ma bakit po ang bilis mong magpatakbo?", tanong ko, minsan lang din kasi mabilis magpatakbo si Mama.

"Anak may sumusunod sa atin, at alam ko na yun ay ang Dark Moon Clan.", sabi ni Mama at mas binilisan ang takbo ng kotse.

Ang Dark Moon Clan ay pangalawa sa pinakamalaking Gangster Clan sa mundo, pero ang Clan namin ang pinakamalaki na Gangster Clan sa mundo, ang Black Panther Clan.

For the first time ang nakaramdam ako ng takot hindi sa pagtakbo ng mabikis ni Mama kundi ang kaligtasan namin, hindi namin kasama ang iba naming tauhan dahil sabi yun ni Mama.

Nabigla ako ng makarinig ng putok ng baril, kahit na nakahawak na ako ng baril ay nabibigla pa rin ako kapag nakarinig ako ng putok nun.

"Lucy yumuko ka!", sabi ni Mama kaya sinunod ko siya.

Takot at kaba ang nararamdam ko ngayon, kahit na malapit na akong maiyak ay pinigilan ko, kahit sa murang kong edad ay naranasan ko ang ganitong sitwasyon, ano pa ba ang magagawa ko? Anak ako ng pinakamalaking Gangster Clan sa mundo at lahat ng mga nasa mababang rank ay gusto kaming pabagsakin.

Mas binilisan ni Mama ang takbo ng sasakyan at ako ay nakayuko pa rin.

"Michael tawagin mo ang mga tauhan mo, kailangan namin ng tulong, nasundan kami ng Dark Moon Clan!", sabi ni Mama kaya napatingi ako sa kanya at nakita ko na may kausap siya sa Cellphone at alam ko na si Michael yun.

Matapos sabihin yun ni Mama ay lalo niyang binilisan ang takbo, tumingin ako sa likod pero nakayuko ako, nakita ko ang dalawang itim na kotse, mabilis din ang takbo nila.

"Lucy wag kang tumingin sa likod!", wika ni Mama kaya napatingin ako sa harapan.

Nakita ko na kinakabahan si Mama, siguro inalala niya ang kaligtasan ko.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon