Special Chapter:
"The Jerk."Yuri's POV
"Kailan mo ba ako sasagutin?", tanong ng taong palaging gumugulo sa buhay ko.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay nagbasa na lang ako. Nasa library kasi ako dahil may assignment kami, akala ko magiging tahimik ang buhay ko dito sa library pero hindi pala dahil dumating itong asungot na 'to.
"Yuri kailan mo ba ako sasagotin?", tanong ulit niya.
Alam niyo yung feeling na gusto mo na siyang sagutin dahil sa nakikita mong effort niya para sayo, pero bigla mong maalala na baka pinagtri-tripan lang ako nito dahil sa mga kagaguhan na pinaggagawa niya noon. Ayaw ko kasi na pinagtri-tripan ako lalo na ang damdamin ko. Hindi man ako palaging nagpapakita sa kanila ng emosyon ay nasasaktan din ako. Lalo na ngayon na ilang linggo na naming hindi nakikita si Lucy, nakakamiss ang presensya niya kahit na minsan ay sadista siya pero gusto namin yung personality niyang yun kasi yun talaga siya. Hay namimiss na namin siya.
"Hoy! Kailan mo ba ako sasagutin?!", napabalik ako sa wisyo dahil sa asungot na 'to.
Napabuntong hininga na lang ako sa hinarap siya. Siguro ito na ang oras na sasagutin ko siya, kahit na may pagkakamali siya dati ay noon na yun, iba na ngayon, nakita ko ang effort niya para sa akin.
"Yes.", sagot ko.
"Ano?", tanong niya na nakakunot ang noo.
"Sabi ko Yes.", sabi ko ulit.
Nakakunot pa rin ang noo niya. Anong problema nito? Sinagot ko na siya, pero bakit ganito ang reaksyon niya?
Makalipas ang ilang minuto ay lumaki ang mata niya. Teka, ngayon lang ba nagprocess sa utak niya ang sinabi ko kanina? Ang slow niya.
"YEEEESSSS!!!", sigaw niya.
"SSSHHHSSS!", patahimik sa kanya ng mga tao na nandito sa library. Hahaha yan kasi.
"Hehehe Sorry.", sabi niya sabay peace sign. Hahaha.
"Yan kasi ang ingay mo.", sabi ko sa kanya.
"Hindi ko kasi mapigilanang sarili ko. Sobrang saya ko talaga ngayon.", sabi naman niya na may kasamang napakalaking ngiti sa labi niya.
"Halata naman.", sabi ko sabay tutok ko sa libro ulit.
Malaki pa rin ang ngiti niya dahil kita ko yun sa sideview ko. Sobrang saya talaga ng asungot na 'to. Well hindi naman ako nagsisisi na sinagot ko siya, kasama naman talaga sa pagmamahal ang salitang sakit kaya kahit na gaano pa katatag ang relasyon niyong dalawa tapos ay hindi niyo mahal ang isa't isa ay wala pa ring silbi yun.
"I love you.", sabi niya.
Napangiti ako dahil sa kanyang sinabi. "I love you too.", sabi ko at humarap sa kanya.
Pagkaharap ko sa kanya ay nabigla ako dahil biglang naglapat ang labi niya sa labi ko. We kiss, a passionate one. Pumikit na lang ako at dinama ang pagmamahal namin.
Hindi ko lubos maisip na sa isang Jerk ako magkakagusto at mahuhulog pero hindi ko pinagsisisihan ang desisyon ko. Masaya ako kapiling siya, sa kabila ng aming pagkakaiba ay minahal ko siya at ngayon ay boyfriend ko na ang Jerk ng Xavier High.
******************************
A/N: Hi guys!! Sino #YurEal shippers dito? Comment na kayo, baka gagawan ko din sila ng story. Hahaha.
Happy reading mga readers!! Maraming salamat ulit.
P.S. Baka may isang Special Chapter pa na gagawin ko. Its a surprise, bibigyan ko kayo ng hint: Malilito kayo dahil sa pagdating niya. So once again Thank You for your support of my story.
So don't forget to:
Vote
Comment
Share
~BwiKookieMonster 😈😈
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Teen FictionHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...