EPILOGUE

4.8K 115 1
                                    

"EPILOGUE."

Lucy's POV

"Princess Let's Go!", sigaw sa akin ni Lance.

"5 minutes!", sigaw ko pabalik sa kanya.

Nasa kwarto kasi ako at nagbibihis kasi may pupuntahan kami, ewan ko kung saan, hindi naman sinabi sa akin ni Lance kung saan, basta daw may pupuntahan kami.

Binilisan ko na lang ang pagbibihis ko. Nakasuot ako ng golden yellow na dress na hanggang tuhod, medyo fit siya sa katawan ko kaya hapit ito sa katawan ko.

Nang matapos na ako sa pagbihis ay sinipat ko ulit ang katawan ko. Okay na.

Lumabas na ako sa kwarto at naabotan ko si Lance na katayo sa gilid ng pintuan.

"Tara na?", bungad ko.

Hindi naman siya nagsalita at lumakad na kami, si Lance ay nakasuot siya ng suit, mukhang hindi siya comportable kapag nagdress siya kaya suit na kulay black na lang ang sinuot niya.

Nakababa na kami at naabutan namin si Papa at si Michael sa baba ng hagdan, kasama din kasi sila.

"Ang ganda mo Anak.", bungad ni Papa.

"Thank you Pa.", nasabi ko na lang, medyo nahiya kasi ako ng konti dun, Haha.

"Nakahanda na po ang sasakyan King.", sabi naman ni Michael.

"Tara na.", sabi ni Papa.

Kumapit naman ako sa braso ni Papa, nasa likod lang namin sila Michael at Lance. Nang makalabas na kami ng bahay ay tumigil muna kami upang hintayin ang kotse, nang dumating na ay akala ko isa lang pero nakita ko na dalawa ng paparating dito. Tiningnan ko si Papa na may patanong na mukha.

"Kami ni Michael ang sasakay sa isa. Kayo naman ni Lance sa isa.", sabi ni Papa.

"Bakit po dalawa?", tanong ko.

"Basta. Wag ka ng magreklamo.", sabi ni Papa.

Nagpout naman ako dahil dun. Ito talaga si Papa oh. Tss.

Hindi na lang ako nagreklamo pa, alam ko na hindi ako mananalo kay Papa.

Nang makarating na ang kotse ay huminto ang dalawa sa harapan namin, pumasok na ako sa unang kotse at ganun din si Lance pero nasa harapan siya, ako nasa likod.

Nakita ko na pumasok na din sila Papa sa ikalawang kotse, umandar na ang kotse at umalis na kami.

Tahimik lang kami sa byahe at ako ay nakatingin sa labas, marami akong iniisip, ilang linggo na din mula nang mangyari yun pero hindi ko pa rin ito nakakalimutan, yun na siguro ang isa mga pinakamasamang bangungot na mapapaniginipan ko kasi ilang araw ko din yun napapanaginipan pero ngayon ay okay na ang lahat, hindi ko na napapanaginipan yun.

Napansin ko parang nag-iba ng daan sila Papa kaya napatingin ako sa harapan.

"Lance bakit nag-iba ng daan sila Papa?", tanong ko.

"Hindi sila nag-iba ng daan Princess, tayo yung nag-iba ng daan.", sabi naman niya.

"Hah? Bakit? Saan ba tayo pupunta?", tanong ko.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon