Anniversary Celebration (Christmas Eve Last Part)

2.8K 62 4
                                    

"Christmas Eve."
Last Part.


Ethan's POV.

"Anak ready ka na?", rinig kong sabi ni Papa sa labas ng kwarto.

"Ready na Papa, una na po kayo sa labas.", sabi ko at tiningnan ang sarili sa salamin.

"Sige Anak. Hintayin kita sa kotse.", sabi ni Papa.

Hindi na ako sumagot pa dahil nakatingin lang ako sa salamin, narinig ko naman ang mga yabag ni Papa papaalis.

Napabuntong hininga ako. First time namin magpasko sa ibang bahay, at first time namin na magpasko kasama ang mga tauhan namin. Dati kasi ay pumupunta kami ni Papa sa Japan upang dun magdiwang ng pasko, kami lang dalawa ang kumakain kapag noche buena. Kaya sobra talaga akong kinakabahan ngayon.

Nakatingin lang ako sa sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng tuxedo na color gray, nakafitted black pants at kulay pulang bowtie, fitted black pants na pinaresan din ng black shoes, pormal masyado ang suot ko at medyo hindi ako sanay.

Tiningnan ko ang relo ko at nakita ko na mag-aalas nuebe na ng gabi.

Sinipat ko ulit ang buong katawan ko at nang makita na okay na ay bumuntong hininga ulit ako at naglakad na palabas ng kwarto.

Naglakad na ako palabas at naabotan ko si Papa na nakaupo na sa back seat ng kotse kaya lumakad na ako papunta dun, nang makarating ako ay pinagbuksan ako ni Drew ng pinto.

"Salamat.", sabi ko at tumango naman siya bilang sagot.

Pumasok na ako sa back seat katabi si Papa, lumakad na si Drew papunta sa driver seat at nang makapasok ay pinaandar na niya ang kotse.

Si Papa pala ay nakasuot ng kulay puting tuxedo, lahat ng damit ni Papa na suot ngayon ay Puti mula itaas hanggang sa baba, ito kasi ang kasuotan ng mga Yakuza King, ang mga Prince naman katulad ko ay pwede kahit na ano ang isuot.

Tahimik lang kami sa habang nagbyabyahe. Kinakabahan talaga ako, ewan ko kung bakit basta kinakabahan talaga ako.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay o mansion nina Lucy. Pagpasok namin ay tumambad ang napakalawak na hardin nina Lucy, parang isang football field ang lawak ng hardin nila. Kahit na gabi na ay makikita mo pa rin ang ganda ng kanilang hardin dahil sa mga ilaw na nakalagay sa ibat ibang dereksyon. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa mansyon nila. Hindi ko talaga maiwasan na mamangha sa sobrang laki nito, malaki naman yung bahay namin pero hindi katulad kanila Lucy na may apat na palapag, pinagbuksan kami ni Drew ng pinto, una akong lumabas, sunod si Papa.

Nang makalabas na kami ay sinalubong kami ni Micheal ng ngiti sa labi.

"Welcome to Scott's Mansion Mr. Mashima.", nakangiti at magalang na sabi ni Micheal at yumuko.

"Salamat.", nakangiti ding sabi ni Papa.

Tumingin sa amin si Micheal na may ngiti pa rin sa labi.

"Mr. Mashima, Mr. Scott is waiting for you inside.", sabi ni Micheal at sinenyasan ang mga tauhan na nasa tabi ng pinto.

"Let's go inside.", sabi ni Micheal matapos mabuksan ang pinto.

Lumakad na kami papasok. Si Papa ang sa gitna, ako nasa kaliwang gilid ni Papa at nasa kanang gilid naman si Drew.

Nang makapasok kami ay inanounce ni Micheal ang pagdating namin.

"The Red Dragon Clan has Arrive with its Yakuza King, Mr. Kaname Mashima together with his son, Young Master Ethan and the Leader of Red Dragon Clan Mr. Drew.", announce ni Micheal at napatingin naman sa kanila ang mga tao.

When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon