A/N: Ang kabanata na ito ay hindi siya kasali sa kwento, hindi ito makakaapekto sa takbo ng estorya. Ginawa ko ang kabanata na ito dahil annibersaryo ng estoryang ito. Nagpapasalamat ako dahil sa walang sawang pagtangkilik niyo sa estorya kong ito, naway masiyahan kayo sa kabanata na ito.
Wow lalim ng tagalog ko ah, hahaha.
Sana maging masaya kayo sa pagbabasa na chapter na ito at dahil sa nalalapit na din ang pasko kaya ang chapter na ito ay pinamagatang "CHRISTMAS EVE.", sana magustuhan niyo ito bilang paggunita ng annebersaryo ng estoryang ito.
Ayan na naman ako sa malalim na tagalog, hahaha. Maraming salamat ulit sa inyo!!!
~BwiKookieMonster 😈😈
******************************
"Christmas Eve."
PART 1.
Ethan's POV"We wish you a merry christmas, we wish you a merry christmas, we wish you a merry christmas and a happy new year.", yan ang maririnig mo saan mang sulok ng mall dito sa manila.
December 24, 2016
Masyadong madaming tao dito sa mall upang bumili ng mga regalo, mga pagkain na ihahanda mamaya sa Christmas Eve.
Busy ang lahat ng tao dahil ilang oras na lang at magpapasko na kaya sobrang daming tao, hindi magka-kanda maway ang lahat ng tao pati ang mga sales person dahil sa kumpol ng mga tao, halos hindi na nakakagalaw ang sa may counter dahil sa dami ng pinamili ng mga tao.
Nandito ako ngayon sa harap ng isang pet shop, gusto ko bumili ng regalo para kay Papa, Lucy, Tito Alexander, Micheal, Drew, Lorriene, Rafael at Yuri, una kong bibilhin ay isang aso para kay Lorriene, natanong ko kasi dati si Yuri kung mahilig ba sa aso si Lorriene at sabi niya "Oo" kaya nang makita ko ang pet shop dito sa mall ay naisip ko kaagad si Lorriene.
Medyo madami ang tao sa loob pero hindi masikip kaya nagpasya na ako na pumasok.
Pangalan pala ng Pet Shop ay NATSU'S PETS, na ibig sabihin ng Natsu ay Summer, kaya Summer Pets.
Pagpasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang napakabangong halimuyak ng pet shop, hindi ko alam kung bakit biglang gumaan ang pakiramdam ko at naging relax.
Napatingin sa akin ang babaeng nagbabantay sa counter.
"Konnichiwa! Ohayo!",(Hello! Good Morning) bati niya sa akin.
"Konnichiwa.",(Hello), nakangiting sagot ko sa kanya.
"Ano po ang maipaglilingkod ko po sa inyo?", tanong niya.
"Gusto ko muna tingnan ang mga alagang aso niyo dito.", nakangiting sabi ko sa kanya.
"Okay po Sir. Dito po kayo dumaan Sir kasi dito po ang mga alagang aso namin.", turo niya sa kanang bahagi ng shop.
"Salamat.", sagot ko at lumakad na.
Medyo malapit pa ako sa counter pero naririnig ko na ang mga tahol ng mga maliliit na aso kaya nagpatuloy ako sa paglakad.
BINABASA MO ANG
When a Yakuza Prince meets A Gangster Princess (COMPLETED) [BOOK 1] #Wattys2018
Ficção AdolescenteHighest Rank- 03/10/2018- #109 in Teen Fiction. Paano kapag nagtagpo ang isang mabait na yakuza sa isang sadista na gangster? Is there sparks will come to their eyes or just hatred? Possible kaya na mahulog ang loob nila sa isa't isa? New Cover Cred...